Celine Dion na-diagnose ng ‘rare neurological disorder’, naiyak sa kanyang video message: It’s been really difficult for me…

Celine Dion na-diagnose ng ‘rare neurological disorder’, naiyak sa kanyang video message: It’s been really difficult for me…

NAGING emosyonal at naiyak pa sa isang video message ang legendary singer na si Celine Dion.

Ibinalita niya kasi sa social media na may matindi siyang pinagdadaanan pagdating sa kanyang kalusugan.

Sa 5-minute video na ibinandera sa Instagram ay inanunsyo ng international singer na na-diagnose siya ng isang “rare neurological disorder” na tinatawag na “stiff-person syndrome.”

Sey ni Celine, “As you know, I’ve always been an open book, and I wasn’t ready to say anything before, but I’m ready now. 

“I’ve been dealing with problems with my health for a long time and it’s been really difficult for me to face these challenges and to talk about everything that I have been going through.”

Patuloy pa niya, “Recently, I have been diagnosed with a very rare neurological disorder called the ‘stiff-person syndrome,’ which affects something like one in a million people.”

Dahil daw sa nakitang sakit ay madalas siyang makaranas ng “spasms” o pulikat na nakakaapekto raw sa kanyang paglalakad, pati na rin sa pagkanta.

“While we’re still learning about this rare condition, we now know that this has been causing all of the spasms that I’ve been having.” aniya.

Malungkot pa niyang sinabi, “Unfortunately, this spasms affect every aspect of my daily life.

“Sometimes causing difficulties when I walk and not allowing me to use my vocal chords to sing the way I’m used to.”

Ikinalulungkot din ng singer na hindi na matutuloy ang kanyang concert sa Europe na mangyayari sana sa darating na Pebrero dahil sa kanyang sakit.

Sabi ni Celine, “It hurts me to tell you today. This means, I won’t be ready to restart my tour in Europe in February.”

Bagamat mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon, nagbibigay lakas daw sa kanya ang kanyang mga anak upang gumaling.

Nandiyan din daw parati ang kanyang mga doktor upang tulungan siyang makabalik sa dati.

Pagtitiyak ni Celine, “I have a great team of doctors working alongside me to help me get better, and my precious children who are supporting me and giving me hope. 

“I’m working hard with my sports medicine therapist everyday to build back my strength and my ability to perform again.”

Dagdag pa niya, “But I have to admit, it’s been a struggle. All I know is singing, it’s what I’ve done all my life and it’s what I love to do the most. I miss you so much. 

“I miss singing to all of you, being on the stage performing for you. I always give a 100% when I do my shows. But my condition is not allowing me to give you that right now. 

Saad pa ng singer, “For me to reach you again I have no choice but to concentrate on my health at this moment and I have hope that I’m on the road to recovery. This is my focus and I’m doing everything that I can.”

Sa huli ay lubos na nagpapasalamat ang legendary singer sa fans na patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, pagmamahal at suporta.

Sey niya, “I want to thank you so much for your encouraging wishes of love and support on my social media. This means a lot to me. Take care of yourselves. Be well. 

“I love you guys so much and I really hope I can see you again real soon. Thank you.”

Nagsimula ang international concert series ni Celine na pinamagatang “Courage World Tour” noong 2019.

52 shows na ang natapos ng singer pero ang ibang naka-schedule ay nakansela dahil sa pandemya.

Ipagpapatuloy niya sana ang concert sa Pebrero, pero dahil sa kanyang health problems ay kinansela na muna ito.

Related chika:

Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa ‘AGT’

Sunshine Dizon naka-confine sa ospital, na-diagnose ng bronchitis: Thank God it’s not COVID

Ina Feleo kailangang mag-ingat sa pagwo-workout, na-diagnose ng ‘disc bulge’

Read more...