Sa nakaraang “Family Matters” mediacon ay hiningan ng Christmas wish ang buong cast na nasa presidential table kasama na sina Direk Nuel Naval at ang nagsulat ng script na si Mel Mendoza-del Rosario na lahat naman ay nagsabing sana panoorin ang pelikula nila at maging matagumpay ang pagbabalik ng Metro Manila Film Festival 2022.
Inamin naman ni Agot na kuntento na siya sa buhay niya, pero siyempre dahil single siya kaya mas masaya raw sana kung may kasama siya sa buhay.
“Ano na ‘ko, eh, complete and I’m happy. Actually, I’m happy being alone but ‘di ba, parang masaya rin ang may kasama,” saad ng aktres.
Dagdag pa, “hindi ko naman siya actively na hinahanap. It would be nice; it would be pleasant. It could be a gift.”
Sa madaling salita ay naghahanap ba ng boyfriend ngayon si Agot.
“Actually, wala lang. Parang maybe, siguro, it’s the holiday season, kaya medyo nararamdaman ko ‘yung lungkot.
“Konti lang naman. Pero ‘pag iniisip mo na baka naman hindi ibinibigay sa ‘yo dahil hindi ka pa handa. Actually, parang okay pa naman ako, being alone. But then, it would be nice,”say pa nito.
Aminadong picky siya sa edad niya ngayon.
“Oo. At this point, I will not compromise. Kasi okay naman nga ako,” diin nito.
Sabi ulit,“Matanda na ako, mahirap na akong magbago.”
May mga ibang lalaki kasi na gustong baguhin ang kanilang partner na katwiran naman ng iba ay nakilala silang ganu’n kaya hindi dapat.
Mapapanood ang “Family Matters” sa December 25 kabilang sa Metro Manila Film Festival 2022 produced ng Cineko Productions at idinirek ni Nuel Naval.
Kasama rin sa cast sina Mylene Dizon, Nikki Valdez, James Blanco, Ian Pangilinan, and JC Santos. Binigyan ng MTRCB ng rating na G o suitable for all audiences.
Related chika:
Sharon basag na basag na naman ang puso: Today is actually a very sad day for our whole family…
Direk Mikhail Red ‘hoping’ na maging blockbuster ang kanyang pelikula na ‘Deleter’ sa MMFF filmfest
‘Magic 8’ ng MMFF paparada sa QC, MMDA naglabas na ng ruta para sa ‘Parade of Stars’