Ang pelikulang “Deleter” ang nag-iisang horror movie ngayong Metro Manila Film Festival 2022 kaya marami ang humuhulang blockbuster ito.
Pero para sa direktor na si Mikhail Red ay puro crossed fingers ang sagot at sabay sabing, “we’re hoping.”
May agam-agam pa rin kasi ang karamihang producers at directors na nakausap namin sa mediacon kung 100% nang babalik ang mga tao sa sinehan dahil may bagong variant na naman ang COVID 19.
Sa nakaraang grand mediacon ng “Deleter” na ginawa sa SM North Directors Club ay natanong si direk Mikhail at kapwa direktor na si Jeffrey Hidalgo na artista naman ang role niya kung anong pelikulang kasama sa MMFF 2022 ang sa tingin nila ay kakumpetensiya nila.
“Very tricky question, ha, ha, ha,” tumawang sagot ni direk Jeffrey. “
Patuloy pa niya, “Ang hirap kasi unang-una hindi pa namin napapanood (ibang pelikula), pangalawa we’re the only film in this genre (techno-horror film), so, ang pinakamalapit is ‘yung kina Ian which is thriller naman at hindi namin alam kung may horror element ‘yung film (nina Ian). Medyo maganda ‘yung trailer vague pero exciting, baka ‘yung Nanahimik ang Gabi.”
Ang pelikula nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado na “Nanahimik ang Gabi” ang inamin nilang kakumpetensiya dahil halos pareho sila ng genre.
Susog din ni direk Mikhail, “Actually, ako baka ‘yun din. Kasi sa lahat ng films parang personal taste ko rin na genre (ay) iyon (Nanahimik ang Gabi) based sa trailer parang home invasion thriller, mahilig din ako sa mga ganu’n na movie.”
“Interesting, gusto ko ring panoorin pero ang hirap nga mag-compare if you haven’t seen the actual film. Parang apples to oranges, iba-ibang genre, iba-iba rin ‘yung circumstances, production hindi mo rin masabi, so, mas excited akong to watch it rather than compare,” aniya.
Duda rin namin na papasukin ang “Deleter’ at “Nanahimik ang Gabi” dahil mga ganitong genre ang gusto ng karamihan lalo na ang millennials at Gen Z.
Siyempre hindi papakabog ang “Family Matters” lalo na’t buong pamilya ang magkakasamang manonood with their senior citizens parents.
Hindi rin papakabog ang “Labyu with an Accent” dahil super cute talaga ng trailer na patok din sa may mga edad at mga loyal fans nina Cardo Dalisay at Jodi Sta. Maria.
Mga edad 18 pataas at karamihan ay nasa LGBTQIA plus community ang magkakagulo kina Sean de Guzman at Jake Cuenca para sa pelikulang “My Father, Myself.”
At siyempre, ang My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey de Leon ang sinasabing manggugulat dahil kuwento ito tungkol sa estudyanteng may edad na pero nasa high school palang. Maraming makaka-relate na maestra at estudyante rito.
Going back to “Deleter “ay natanong si direk Mikhail kung anong parte ng buhay niya ang gusto niyang i-delete?
“Mas okay mag-delete ng good memories kasi puwede mong ulitin ‘yung experiences tapos puwede mong ulitin ‘yung experiences tapos first time mo ulit maranasan ‘yun,” nakangiti niyang sabi.
Mapapanood na ang Deleter simula Disyembre 25 entry ng Viva Films ngayong MMFF 2022 kasama rin sina McCoy de Leon at Louise delos Reyes.
Related chika:
Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?