Cast ng ‘Tara G’ lumebel sa pakilig at akting ng ‘Tabing Ilog’ barkada; tambalang Anthony-Daniela at JC-Kaori may happy ending kaya?

Cast ng 'Tara G' lumebel sa pakilig at akting ng 'Tabing Ilog' barkada; tambalang Anthony-Daniela at JC-Kaori may happy ending kaya?

Daniela Stranner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito at Direk Cathy Camarillo

ANG lakas talagang maka-“Tabing Ilog” ng Kapamilya digital barkada series na “Tara G” na laging pasok sa top three shows ng iWantTFC.

Napapanood namin ito at in fairness, napapa-throwback kami noong adik na adik pa sa pagsubaybay sa classic hit na youth-oriented series noon ng ABS-CBN na “Tabig Ilog.”

Marami ang nagsasabi na lumelebel ang pakilig at mga drama moments ng cast members ng “Tara G” sa aktingan ng mga bida ng “Tabing Ilog” tulad nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle at Paolo Contis.

Nakasama namin ang mga bida ng “Tara G” na sina JC Alcantara, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Anthony Jennings at Diniella Straner sa watch party para sa finale episode ng programa kamakailan.


Bago nga ang season finale sa Disyembre 9, nagsama-sama ang cast para sa advanced screening at mediacon kung saan naging emosyonal ang ilan sa kanila dahil sa nakakaantig na finale episode at nagpasalamat din sila sa nabuong magandang samahan sa set.

“Kanina naiiyak na rin ako kasi ‘yung isang eksena doon, ‘yun ‘yung last na tinake namin na magkakasama kami.

“Kasi parang natural lang ‘yung iyakan namin na nag-goodbye na. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ‘yung ganoong samahan,” ang pahayag ni Anthony.

Sabi naman ni Daniela na ang galing-galing magpakilig at magdrama, “Kinikilig ako kasi ‘yung friendship namin lumabas talaga doon sa show. Sobrang natuwa ako.”

Sabi naman ni JC, “Sobrang saya at na-enjoy ko ‘yung moment. ‘Yung ‘Tara, G!’ ang nagbuo sa akin para mahalin ko ‘yung mga kaibigan ko.”

Ibinahagi rin nila ang ilang mahahalagang aral na napulot nila mula sa istorya tungkol sa pagmamahal para sa pamilya at kaibigan.

Para kay Kaori, “Huwag kang matakot na mag-open up sa mga kaibigan mo. Huwag mong isipin na hindi ka nila maiintindihan. At the end of the day, hindi mo alam na ready naman silang makinig sa ‘yo.”

“Ang dami kong learnings. Lahat tayo may shortcomings. Ang importante ay marunong tayong magpatawad at umintindi,” pagbabahagi ni Vivoree.

In fairness, ang bongga naman ng napanood naming ending ng “Tara G” at mukhang totoo nga ang tsismis na nangangamoy season 2 ang naturang iWantTFC original series dahil sa pahabol na eksena.

Base sa napanood naming last episode, nanganganib ngang magkawatak-watak ang samahan at negosyo ng Team WISE (walang iwanan sa ere) matapos dumistansya ang lider nitong si Rocky (Anthony).

Sa kasalukuyang kwento ng “Tara, G!” nadurog ang puso ng Team WISE matapos tanggapin ni Rocky ang alok ni Gov (Dominic Ochoa) na pag-aralin muna siya imbes na ituloy agad ang negosyo nilang “Kape’t Kamay.”

Bukod sa paglalambing ni Rocky sa kanyang barkada, gusto na rin niyang suyuin ang sikreto niyang crush na si Cars (Daniela).

Pero hindi lang sina Rocky at Cars ang magpapakilig sa finale episode dahil pursigido na talaga si Dan (JC) na makuha ang matagal na niyang inaasam na matamis na ‘oo’ ni Legs (Kaori).

Mabubuo pa kaya ang Team WISE at magtagumpay sa “Kape’t Kamay”? Magkaka-happy ending ba sina Rocky at Cars, pati na rin sina Dan at Legs?

Abangan ang finale episode ng “Tara, G!”, sa direksyon ni Cathy Camarillo, ngayong Biyernes (Disyembre 9), 8 p.m. (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Cast members, prod staff ng ‘Tara G!’ pinaglaruan ng mga ligaw na espiritu sa Benguet?

Kim Chiu nakipag-reunion sa high school barkada sa Cebu: One of the best birthday gifts I got…!

Dimples proud na proud sa 4 na ‘baby’; Nikki napa-throwback sa ‘Tabing Ilog’

Read more...