Cast members, prod staff ng 'Tara G!' pinaglaruan ng mga ligaw na espiritu sa Benguet? | Bandera

Cast members, prod staff ng ‘Tara G!’ pinaglaruan ng mga ligaw na espiritu sa Benguet?

Ervin Santiago |October 05,2022
facebook
share this

Cast members, prod staff ng ‘Tara G!’ pinaglaruan ng mga ligaw na espiritu sa Benguet?

Ervin Santiago - October 05, 2022 - 09:55 AM

Cast members, prod staff ng 'Tara G!' pinaglaruan ng mga ligaw na espiritu sa Benguet?

Ang cast members ng ‘Tara G!’

NAKARANAS ng hindi maipaliwanag na pangyayari ang ilang cast members at production staff ng youth-oriented program na “Tara G!” habang nagte-taping sila sa isang lugar sa Benguet.

Feeling ng mga Kapamilya stars na kasali sa show, may “something” na nagparamdam sa kanila sa nasabing lugar na tila may gustong sabihin o ipaalala sa buong production.

Kuwento ng youngstar na si Anthony Jennings sa episode ng “Sakto” kahapon, “Parang supernatural experience sa Benguet. Nagsu-shoot po kami sa isang bundok, mala-bundok na lugar.

“Sobrang foggy po that time, hindi po kami makapag-shoot so itinigil po ang taping. Tapos parang may nararamdaman kaming something,” simulang pagbabahagi ng binata.

Pagpapatuloy pa niya, “Tapos magbibihis po ako para sa next outfit ko nakita po ng wardrobe na parang may scratches po ako sa likod.

“Before nu’n may naramdaman lang po kami, ako na parang may tumapik sa likod ko, pero wala pong kumalmot sa likod ko.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


“Tapos ayon nagtuluy-tuloy na po ‘yon, parang sumama na po ang pakiramdam ng buong prod,” lahad pa ni Anthony.

Kaya naman agad na raw humingi ng tulong ang production staff sa mga residente sa lugar para malaman kung ano nga ba ang nangyayari sa kanila.

May ilang ritwal daw na ginawa ang mga taong sumaklolo sa kanila,  “Kinailangan pong tawagin ang mga locals ng Benguet para mag-ritual po sila roon. ‘Yung ginagawa po nila lagi na parang naglalaga ng manok na walang asin tapos ipapakain po sa amin.

“Then after ng ritual po promise, no joke, nawala po ‘yung fog as in nalinis po. Tapos nakapag-shoot na po ulit,” kuwento pa ni Anthony.

Samantala, kilalanin ang teen barkada ng bagong henerasyon na sina Anthony Jennings, Daniela Stranner, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree Esclito, CJ Salonga, at Zach Castañeda, na magbibigay saya, kilig, at aral sa “Tara, G!,” ang pinakabagong original series ng iWantTFC.

Samahan ang Team WISE o “Walang Iwanan Sa Ere,” isang tropang nangangarap umasenso at gustong pagandahin ang buhay nila sa La Guerta sa pamamagitan ng paggawa at pagbenta ng kape bilang beans at coffee wine.

Kasama sa kanilang barkada si Rocky (Anthony), ang gwapong lider; Legs (Kaori), ang mabait at tila prinsesa na dalaga; Dan (JC), ang sweet lover boy na may gusto kay Legs; Jengjeng (Vivoree), ang sweet at kikay na babaeng may big dreams; Will (Zach), ang mahilig magpatawa pero laging maasahan at maalaga sa kapatid niyang si Smith (CJ), na siya namang pinakamatalino sa Team WISE.

Solid ang pagkakaibigan nila pero mayroon din itong kasamang problema at lungkot. Isa na rito ang pagdating ni Cars (Daniela), isang maganda at mayaman ngunit masungit na babae. Magdadala si Cars ng gulo sa La Guerta nang malasing ito at mabasag niya ang lahat ng coffee wine bottles na pinaghirapan ng Team WISE.

Masusubukan din ang samahan nila dahil sa pag-ibig. Bukod sa tinatagong inggit ni Dan sa pagiging malapit nina Rocky at Legs, mukhang hindi rin inaasahan ni Rocky na mahulog ang loob niya para kay Cars.

Dahil sa mga haharaping pagsubok sa buhay ng Team WISE, susubukan ng mga matatanda nilang kasamahan na kumbinsihin sila na walang pag-asang umasenso ang La Guerta at dapat na lang nilang sukuan ang kanilang mga pangarap.

Sa kabila nito, desidido silang harapin ang mga hamon ng buhay at patunayan ang kanilang mga sarili.

Makikisama ba si Cars sa Team WISE? Mananatiling bang matibay ang kanilang barkada?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Tara, G!” ay sa direksyon ni Direk Cathy Camarillo at mapapanood na simula ngayong Oktubre 7 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Rica nanawagan sa seguridad at proteksyon ng mga kasambahay: Nakatagpo kami ng maayos na kasama sa buhay…

Lead actress sa isang pelikula sobrang mag-inarte sa shooting, pati suot na t-shirt ng staff pinahubad, pinapalitan

Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares!

Morissette Amon napabilib ang vocal coach na si Tara Simon sa pagkanta ng ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending