Bela payag na payag makatrabaho si Daniel: 'I’d love to do a heist film or psycho thriller with DJ' Bandera

Bela payag na payag makatrabaho si Daniel: ‘I’d love to do a heist film or psycho thriller with DJ’

Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Bela payag na payag makatrabaho si Daniel: ‘I’d love to do a heist film or psycho thriller with DJ’

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 08:06 AM
Bela payag na payag makatrabaho si Daniel: 'I’d love to do a heist film or psycho thriller with DJ'

Daniel Padilla at Bela Padilla

GAME na game ang actress-director at screenwriter na si Bela Padilla sa paggawa ng isang bonggang pelikula kasama ang pinsan niyang si Daniel Padilla.

Ayon sa dalaga, may naiisip na siyang tema at konsepto sakaling magkasama nga sila ng Kapamilya actor at singer sa isang proyekto in the future.

Sa pa-Q&A session ni Bela sa kanyang Twitter account, sinagot niya ang ilang exciting at nakakaintrigang tanong mula sa kanyang followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)


At isa nga rito ang question ng isang netizen kung okay ba sa kanya ang makasama sa pelikula si  Daniel at kung ano ang naiisip niyang genre na babagay sa kanilang magpinsan.

“I’d love to (makatrabaho si DJ). He’s an amazing actor,” pahayag ni Bela.

“And I’d love to do a heist film or psycho thriller with DJ to show his (acting) range,” sey pa ng aktres.

Huling napanood si Bela sa Viva Films movie na “366,” bilang lead star. Siya rin ang nagdirek nito at sumulat ng script.

Si Daniel naman ay bumida sa hit ABS-CBN series na “2 Good 2 Be True” kasama ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo at ang premyadong veteran actor na si Ronaldo Valdez.

* * *

Napuno ng kilig ang Christmas season ng mga Kapuso matapos mapanood ang pasilip sa bagong primetime series na “Luv Is: Caught In His Arms.”

Ni-release na ng GMA Network ang official teaser ng serye na pagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala bilang Team Jolly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


Kitang-kita sa teaser ang husay sa pag-arte ng young stars. Gaganap si Sofia bilang Florence, isang masayahing dalaga na puno ng mga pangarap. Habang masungit at mysterious naman ang character ni Allen bilang Nero.

Talagang much-awaited ang first collaboration project na ito ng Kapuso Network at Wattpad Webtoon Studios.

Saad ng ilang fans sa Facebook, “Teaser pa lang ito pero grabe nakaka-excite na! Nakakabitin! Sana ilabas na rin ang trailer. Worth it ang paghihintay kasi napakaganda talaga!”

Abangan ang “Luv Is: Caught In His Arms” this January 2023. But for the meantime, panoorin muna ang kanilang teaser sa lahat ng social media accounts ng GMA Network at GMA Drama.

Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?

Bela pwede nang lumebel kay Coco bilang actress-director; hugot movie na ‘366’ kering-kering humakot ng awards

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending