Dingdong Dantes proud maging ‘honorary member’ ng PMA ‘Sanghaya’ Class 2000

Dingdong Dantes proud maging ‘honorary member’ ng PMA 'Sanghaya' Class 2000

PHOTO: Instagram/@dongdantes

“COURAGE. Integrity. Loyalty.”

‘Yan ang naging mensahe ng aktor na si Dingdong Dantes matapos ibalita na siya ay ginawaran bilang “honorary member” ng Philippine Military Academy (PMA) “Sanghaya” Class 2000.

Sa Instagram ay proud niyang ibinandera ang nakuhang certificate, pati na rin ang ilang moments ng kanyang oath-taking ceremony.

Nakwento pa ng aktor na matagal na niyang pangarap na makapasok sa isang military school.

Bagamat iba ang naging karera niya sa buhay, natupad pa rin niya ang pangarap na maging sundalo.

Caption niya sa IG post, “Growing up in a family of servicemen; it had always been the goal for me to enter military school after high school.

“God had different plans for me back then, but still led me to espouse these values, regardless of destination.”

Aniya, “Values which I hold sacred and now share with no less than the PMA Class 2000 ‘SANGHAYA.

“I am humbled to be accepted as its honorary member.”

Lubos naman na natutuwa ang kanyang misis na si Marian Rivera at nag-comment ng heart eyes emoji sa kanyang IG post.

Pati ang ilang kapwa-artista ay humanga sa kanya at bumati sa comment section.

Kabilang na riyan sina Alfred Vargas, Baron Geisler, Manilyn Reynes, at marami pang iba.

Taong 2006 nang nagpa-enlist si Dingdong ng reservist military training sa Philippine Marines at noong 2009 nang maging isang ganap na siyang marine reservist.

Noong 2020 naman nang ma-promote ang aktor bilang Lieutenant Commander.

Isa sa mga duties niya ay ang mag-assist sa mga uniformed personnel during disaster relief operations.

Bukod kay Dingdong, ilan pang celebrities na bahagi ng military ay sina Arci Muñoz, JM De Guzman, Gerald Anderson, Elmo Magalona, at Matteo Guidicelli.

Related chika:

Dingdong Dantes, Charo Santos magsasama sa isang pelikula

Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes’

Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

Read more...