NAPANOOD na namin ang pinakabagong sexy barkada comedy movie na “Call Me Papi” mula sa Viva Films na isinulat at idinirek ni Alvin Yapan.
Ito’y pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Lharby Policarpio, Albie Casino, Royce Cabrera at Aaron Concepcion na may kanya-kanyang paandar at highlights sa pelikula.
Present ang limang bida ng “Call Me Papi” sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2 na game na game na nagpa-picture sa kanilang mga fans na sumugod talaga sa nasabing sinehan.
In fairness, ang saya-saya ng movie at naipakita ng bawat karakter sa kuwento ang mga hugot nila sa buhay at kung paano sila nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
Siguradong maraming makaka-relate na magkakatropa at magbabarkada sa kuwento ng limang lalaking nagkasama-sama sa isang apartment na may kanya-kanyang pinagdaraanang pagsubok sa buhay.
Pero sa kabila nga ng kanilang mga personal na problema, nakukuha pa rin nilang magpakasaya at magpaka-positive in life na siyang pinakamahalagang bahagi ng pelikula.
No doubt, magagaling naman talagang umarte sina Enzo, Albie at Royce, kaya mas gusto naming purihin sina Lharby at Aaron sa movie dahil sa totoo at napakanatural na akting nila.
May mga pelikula at teleserye nang nagawa si Lharby pero dito lang talaga siya tumatak sa amin dahil sa bonggang karakter niyang bilang hunk na beki.
“I play Mario. Call center agent ako na workaholic. My character will make you laugh kasi marami akong funny scenes dito.
“Nakaka-relate ako sa role and I saw myself in him kasi we’re more or less the same. Pareho kaming workaholic, hardworking, friendly, very caring sa family and friends.
“Kapag may problema, he makes the initial move para halika, ayusin nga natin ito,” kuwento ni Lharby sa presscon ng “Call Me Papi.”
In-explain din niya kung bakit “Call Me Papi” ang title ng movie, “Papi stands for friend at lahat kami rito, nakatira lang sa iisang bahay and we call each other Papi.
“Ako talaga, I call my closest friends, specially those who I really trust, Papi or Paps.
“Viewers will be able to relate sa characters namin in the movie which is about friendship and family relationships. Ang experiences namin dito, pinagdaraanan nating lahat in real life,” kuwento pa ng hunk actor at content creator.
Kumusta katrabaho sina Enzo, Albie, Royce at Aaron? “Inabot ng more than two years namin ginawa ang movie kasi paputol-putol ang shoot during the pandemic.
“Pero mas nakilala ko sila lahat sa set. Masaya silang kasama, very chill. We help each other sa shoot at may natutuhan din ako sa kanila. Na-feel kong kaibigan ko talaga sila.
“When we meet each other sa labas, we’re happy may nabuong friendship among us. so thanks dito sa movie for the gift of friendship,” aniya pa
Mapapanood na ang “Call Me Papi” sa mga sinehan nationwide simula sa December 7.
Kamakailan lamang ay sinupalpal ni Lharby ang mga bashers na nagsabing meron daw siyang sugar daddy kaya afford niya ang bongga niyang lifestyle.
Resbak ng aktor, “Sorry I just have speak up! The more hinahayaan mo these stupid and close minded people, nagiging tama para sa mga taong nakakabasa nito, lalo na yung mga hindi nagre-research ng tama.
“If I allow this to continue some people may start to believe the lies these guys have been saying here.
“First of all. Lord! 2022 na po. Being a content creator is not a new job, it’s been existing for years now. If you look at my social media platforms, you’ll see the brands I’ve worked with in the past years.
“Second, my lifestyle. It was my first time traveling to Europe with friends! Dream ko yun!
“Anong sugar daddy pinagsasabi niyo? I even posted partnerships with 2 brands while I was in Lisbon, Portugal. Before we left, I also did a project big enough to finance my entire trip!
“Judgmental lang talaga kayo to assume na wala akong source of income. Nakakahiya naman sa inyo dahil mas alam nyo pa buhay ko kesa sa akin.
“Are you happy? Do you enjoy doing this and hiding behind your phones?
“I feel sad for the people in your lives, to be friends with people like you who are not just insecure but also judgmental, it must be so hard and tiring for them,” aniya pa.