Jake mahigit 1 taon nang hindi tumotoma, inspirasyon si Baron: Pareho naming gustong ibahin yung diskarte namin sa buhay

Jake mahigit 1 taon nang hindi tumotoma, inspirasyon si Baron: Pareho naming gustong ibahin yung diskarte namin sa buhay

Jake Cuenca at Baron Geisler

BONGGA ang rebelasyon ng award-winning Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca tungkol sa kanyang personal life.

Knows n’yo ba na mahigit isang taon na raw siyang hindi tumotoma ng alak at may isang sikat male celebrity na malaking impluwensiya sa kanya.

Ayon sa binata, super proud siya sa kanyang sarili dahil itinuturing niyang isang big achievement ang pagiging alcohol-free sa loob ng isa’t kalahating taon.

“Hindi lang ako open to saying it kasi ayoko lang iyabang. Pero kasi one year and a half no alcohol. Hindi na ako umiinom. No more na. Ayoko lang siya ipagmalaki o ipagyabang,” ang pag-amin ni Jake sa nakaraang grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2022 entry niyang “My Father, Myself.”


Kasunod nito, ipinagmalaki nga niya na ang napakagaling na aktor din na Baron Geisler ang nagsilbing motivation at inspirasyon sa pagtigil sa pag-inom ng alak.

“Kasi kami ni Baron parehas kaming marami nang napagdaanan. Parehas kaming nag-a-agree, parehas kami sa buhay namin, gusto namin ibahin ’yung diskarte.

“Kaya rin kami nagiging close ni Baron ngayon. Parehas namin ini-enable ang isa’t isa na, ‘Kaya natin ’to. Kaya natin ’to. We are better than we were before,’” aniya pa.


Samantala, hindi pa man ipinalalabas sa mga sinehan ang “My Father, Myself” bilang bahagi ng MMFF ngayong taon ay mainit nang pinag-uusapan ang tema at kuwento nito tungkol sa isang gay relationship.

Makakasama ni Jake sa movie sina Sean De Guzman, Dimples Romana, at Tiffany Grey, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Sey ni Jake, “Iba-iba ang opinyon but one thing for sure and iyon naman po ang gusto namin mag-invite ng conversation at masakit po ‘yun kung hindi pinag-uusapan ang pelikula.”

Ang nasabing pelikula ay mula sa 3:16 Media Network ni Len Carillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, na isinulat ni Quinn Carillo. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa December 25.

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Jake Cuenca sa mga pinagdaanan sa buhay: Talo ka naman talaga if you don’t learn

Read more...