Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak

Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak

Randy Santiago at Maricel Soriano

PARA sa taong 2023, pangarap ng veteran singer-actor at TV host na si Randy Santiago ang makapag-record ng bagong kanta at maka-collab ang mga young and talented artists ngayon.

In fairness, may mga nagtitiwala pa ring mga producer kay Randy na kunukuha sa kanya para mag-concert dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa. Bukod pa riyan ang pagdidirek ng mga TV show at mga live events.

“Ang uso kasi ngayon di ba, yung mga collab, so I’m thinking aside from having yung mga co-generation ko, ang gusto kong mangyari yung mga ka-collab ko yung mga bata.

“Ang gusto ko nga gumagawa ako ng mga kanta para sa mga bata. Kasi yung mga kinakanta ko medyo novelty na, and minsan nararamdaman ko na parang hindi na bagay sa akin yung mga ganu’n.


“So yung naughty sides ko lalo na when I write songs gusto ko nang ibigay sa mga bata. Basta may mga suprises, eh, na sana matuloy,” ang pahayag ni Randy na napapanood ngayon bilang host ng “Sing Galing” sa TV 5.

Super thankful din siya na hanggang ngayon ay may mga kumukuha pa rin sa kanya para mag-perform sa mga shows dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Nagpapasalamat talaga ako sa tiwala ng mga producers for still getting me. Of course, we’ll have to take care of ourselves, di ba?

“So kapag inaalagaan mo ang sarili mo at nakikita naman na wala kang bisyo at medyo maayos ka naman career mo and whatever you’re doing sa industriya nando’n yung mga producers and everybody.

“Kasi ano sila, eh, uhaw na uhaw, eh. Kahit sa Amerika when I got there, galing lang ako doon nu’ng May and June when I did my first tour, ang saya, eh. Parang bumalik na nga sa dati ang lahat. So, I’m excited to do more shows din,” chika ni Randy.

“Yung singing talaga, it has to be there, dahil kumbaga, yon yung pamato ko, eh. Hanggang doon lang naman yung hosting, but as long as you still sing and alam naman nila na kumakanta ako malaking bagay because most of the time naman sa mga shows ko mas yung singing more than the hosting.

“Ang bulto talaga ng trabaho natin kahit papaano ay sa pagkanta pa rin sa mga corporate and all especially ngayong December,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Randy na gusto rin niyang bumalik sa pag-arte, “Pero comedy lang, ha! Gusto kong makagawa ulit kami ni Maria (Maricel Soriano).

“May concept na nga ako for that. Dahil long time ago na rin yon kaya yung mga anak na namin bale ang parang magkakagustuhan,” excited na chika ni Randy.

Sa mga hindi pa masyadong aware, nagbida sina Randy at Maricel sa comedy film na “Taray at Teroy” noong 1988 mula sa Regal Films at sa direksyon ni Pablo Santiago.

Samantala, tungkol naman sa kanyang personal life,
“Ang nami-miss ko lang talaga ang anak ko, si Ryan. Every time na… lahat ng nangyayaring ito sana nakita niya, di ba?

“Nito lang sabi ko, ‘Ano kayang trabaho ni Ryan na 30 years old na siya?’ Kasi yung anak ko ngayon graduating na, tapos yung teacher niya sa CSB kaklase ni Ryan dati. So kung buhay pa siya, ano kayang ginagawa ngayon ng anak ko?”

“Wala nang mabigat kapag nagkaroon ka na ng ganu’ng karanasan  yung mawalan ng mahal sa buhay, lahat medyo kahit papaano magaan-gaan na di ba? As long as wala ka ring kaaway at yon ang iniiwasan natin,” pagbabahagi pa ni Randy.

Namatay si Ryan noong 2017 dahil sa “rare form of brain disease and multiple sclerosis.”

Naibahagi rin ng singer-actor na sa Amerika siya magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame

Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Read more...