Herlene kung anu-anong trabaho ang pinasok sa edad na 15: Ayokong nawawalan ng pera at nagmamakaawa tapos hindi ako pagbibigyan
NA-ENJOY din naman ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang kanyang kabataan pero umaming late bloomer siya pagdating sa pagdadalaga.
Knows n’yo ba na sa loob ng isang liinggo, tatlo hanggang apat na trabaho ang nilalagare ni Herlene na nakilala rin bilang “Hipon Girl” para kumita ng malaki-laking halaga ng pera?
Ito ang dahilan kung bakit hindi niya masyadong nabigyan ng time ang kanyang sarili noong nagdadalaga na siya. Sey ni Herlene, mas binigyan niya ng panahon at halaga ang kanyang pamilya.
Ito rin daw yung panahon na nagkasakit at naospital ang pinakamamahal niyang lola na si Nanay Bireng. Naaalala pa niya yung eksenang wala siyang maibigay na downpayment sa ospital.
Nag-guest si Herlene sa “Updated with Nelson Canlas”podcast at dito nga niya naikuwento na “solid” naman ang kanyang pagkabata dahil na-experience rin niya ang mga larong kalye tulad ng jolens, text, gagamba, trumpo, patintero, taguan, tumbang preso at marami pang iba.
“Naranasan ko naman po lahat. Siguro ang hindi ko lang naranasan ‘yung pagiging dalaga. Kung sabihin niyong ‘yung pagkabata, solid po. Pero ‘yung pagkadalaga na tipikal ngayon, late bloomer po ako,” pagbabahagi ni Herlene.
View this post on Instagram
Sa edad na 15 ay nagtatrabaho na raw siya. Hindi siya sanay noon sa mga gimikan hindi tulad ng mga kaibigan niya na kung saan-saan nagpupunta at gumagala.
“Hindi ako masyadong nakakagimik. Ako sa totoo lang po, nakaranas na po ako pero hindi siya para sa akin. Kapag pumapasok po ako sa maingay, ‘Ay ano ‘yon?’ nakakapanibago sa akin.
“Pero ‘yung mga kaedad ko, ‘Uy, tara doon tayo.’ Gusto kong sumama pero parang iniisip ko, mukhang hindi ako mag-e-enjoy dito, mukhang out of place ako, mukhang hindi ako para dito,” paliwanag pa ng Kapuso actress at Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up.
Patuloy pa ni Herlene, “Ako, nasa cartoon stage pa lang ako na, Spongebob pa nga rin ang favorite kong palabas eh. Sabi ko ‘Bakit parang iba ako sa iba?’ Ang hirap magdalaga kapag late na.”
Kuwento pa niya, ilan sa mga pinasukan niyang trabaho noon ay ang pagiging staff sa munisipyo, waitress at tindera sa tiangge.
“Masaya po akong marami akong pera noong bata pa lang po ako, kasi nasanay kami walang pera, eh. Simula noong naospital si Nanay (lola niya) noong dati tapos ayaw siyang tubuhan kasi wala kaming pang-down, P4,000, sabi ko ‘Bigyan niyo ako ng hanggang bukas, ibibigay ko sa inyo ang downpayment ng P4,000.’ Ayaw.
“Sinabi ko sa sarili ko na ayokong mawawalan ako ng pera na kapit every time na may emergency, ayokong nagmamakaawa tapos hindi ako pagbibigyan.
“Itinatak ko sa utak ko na kailangan meron akong palaging pera. Sumipag po ako noon para meron akong pera na sariling kapit,” pahayag pa ng dalaga.
Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!
Kapatid ni Rico Yan umalma sa film producer-writer na gumagamit sa yumaong aktor: Pathetic!
Marco choosy na sa pagpili ng dyowa: Ayokong magsayang ng oras at pera
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.