Roberta Tamondong ipinaliwanag kung bakit tinanggap ang pagiging fifth runner-up sa Miss Grand International pageant

Roberta Tamondong ipinaliwanag kung bakit tinanggap ang pagiging fifth runner-up sa Miss Grand International pageant
NAGTAPOS si Binibining Pilipinas Roberta Tamondong sa Top 20 ng 2022 Miss Grand International pageant sa Indonesia noong isang buwan. Makalipas ang isang linggo, lumipad siya sa Thailand upang tanggapin ang kaniyang korona bilang fifth runner-up.

Hinirang ng pandaigdigang patimpalak bilang mga fifth runner-up lahat ng limang natirang kandidata sa Top 10, iyong mga hindi nakaungos sa Top 5. Ngunit nagbitiw sa puwesto si Yuvna Rinishta mula Mauritius, na nakapasok sa Top 10 dahil sa “Miss Popular Vote” award niya.

Itinalaga ng pangulo ng patimpalak na si Nawat Itsaragrisil si Tamondong bilang kapalit ni Rinishta, at tinanggap ito ng Pilipinang reyna. Sinalubong ito ng batikos mula sa maraming tagasubaybay sa Pilipinas na nagsabing sa simula pa lang hindi na dapat inetswpwera si Tamondong sa hanay ng mga nagwagi sa Indonesia.

“I think I made the right decision for myself, and for my family. And I thought it would be the best decision that I will make for the Philippines,” sinabi niya sa paglulunsad sa isang bagong Miss Grand Philippines pageant sa Hilton Manila sa Pasay City noong Nob. 24.

“I love what I’m doing right now. I love the work, I love the work ethic. And also, the organization has been very caring, very kind,” pagpapatuloy ng 20-taong-gulang na dilag mula San Pablo City sa Laguna.

Sinabi niyang batid niyang marami ang tututol sa desisyon niya. “At the end of the day, I just want everybody to respect my decision, because it’s not just my decision, but also of my family, Bb. Pilipinas, and my dad,” ipinaliwanag ni Tamondong.

Ipinagmamalaki rin niyang makapagpakita ng magandang imahe ng Pilipinas at mga Pilipino sa Miss Grand International pageant. Pinapurihan siya ng reigning queen na si Isabella Menin, at ng iba pang mga reynang dumating din sa Pilipinas para sa launch event. Ayon sa mga banyagang reyna, dapat ipagmalaki si Tamondong ng mga kababayan niya sapagkat ipinamalas niya ang gilas at tatag ng mga Pilipino.

“I’ve been nothing but kind and happy. Spreading the culture and being the nicest Filipina is there, because being a Filipino, that’s what I’m proud of. I’m showing myself, I’m showing what the Filipinos are all about. Getting the nice feedback from them has made a huge impact not just for me, but also for the community,” ibinahagi ni Tamondong.

Hindi rin umano niya iniintindi ang mga batikos na natatanggap niya at ng patimpalak. “What I care about is my mental health. If I keep reading negative comments, it’s not going to help me, it’s only going to make it worse,” aniya.

“I still have more years until I retire from pageantry. I chose this path because I want to explore more in pageantry, I want to become a woman who has a work ethic, who can work every single day without hesitation, and have that sense of independence at an early age,” ipinaliwanag ni Tamondong.

Nakatakda siyang rumampa sa mga fashion show sa Thailand ngayong buwan kasama ang mga kapwa reyna ng Miss Grand International pageant. Sasalang din siya sa serye ng mga konsyerto para sa “December Fest.”

 

Idinagdag pa niya: “There will be a lot of grand activities, and we’re still going to have more charity events which concerns our advocacy which is stopping war and violence. And I’m just hoping for the best after that, in one year.”

 

Related Chika:
Roberta Tamondong itinalagang ‘5th runner-up’ sa Miss Grand International

Miss Grand PH pageant tumatanggap na ng mga aplikante para sa finals sa Marso

Bet ng Indonesia sa Miss World 2021 tinamaan daw ng COVID-19; 7 pang kandidata naka-isolate na

International queen pangarap pa rin ang korona ng Bb. Pilipinas

Read more...