MARAMING fans ang kinilig sa real life celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
‘Yan ay matapos batiin ni Barbie ang kanyang boyfriend sa pamamagitan ng Instagram post para sa ika-29th birthday nito.
Ibinandera ng aktres ang ilang sweet photo ng date nilang dalawa sa isang Japanese restaurant.
Sabi pa sa caption, “Bat ganun? Birthday mo pero mas masaya ako? Hahahaha!
“Ang saya ko sa Japanese food e (sushi emoji) Happy 29th birthday, @jakroberto (red heart emoji)”
Dagdag pa sa post, “I love you when it’s easy, I love you even more when it’s difficult.
“I love you because you love me.”
Nag-comment naman diyan mismo si Jak at sinabing, “I love you so much (red heart emoji)”
Kilig to the bones rin ang fans at binati rin nila ng “Happy Birthday” ang aktor.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Happy Birthday, @jakroberto !!! (cake emoji) At ang saya ko rin, para sa inyong dalawa!”
“Happy birthday po kuya idol. Nakakakilig po kayong dalawa sobra!”
“Ang saya ninyong dalawa ni Barbie naka good vibes…”
Bukod sa libo-libong netizens, ilan din sa mga kapwa-celebrities na bumati ay sina Kuya Kim, Manilyn Reyes, Rita Daniela, Tina Paner, Julie Anne San Jose, Rodjun Cruz, at marami pang iba.
Limang taon nang magkasintahan sina Barbie at Jak.
Nagsimula ang love story ng dalawa nang magkasama sila sa teleseryeng “Meant To Be” noong 2017.
Related chika:
Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’