Lolit Solis tinalakan si Jennylyn Mercado: Huwag basta magrereklamo sa social media Bandera

Lolit Solis tinalakan si Jennylyn Mercado: Huwag basta magrereklamo sa social media

Therese Arceo |December 01,2022
share this

Lolit Solis tinalakan si Jennylyn Mercado: Huwag basta magrereklamo sa social media

Therese Arceo - December 01, 2022 - 02:48 PM

Lolit Solis tinalakan si Jennylyn Mercado: Huwag basta magrereklamo sa social media
PINAGSABIHAN ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos itong mag-post sa social media.

Ito ay matapos mag-post ng aktres patungkol sa nabili niyang karne sa isang sikat na supermarket.

“Natatawa ako sa issue ni Jennylyn Mercado tungkol sa ‘bad’ meat na nabili daw niya sa SnR, Salve. Parang hindi tutoo dahil usually pag bumibili ka sa supermarket, tinitignan mo ang inilalagay mo sa cart,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, imposible daw na hindi nila agad nakita ang lagay ng karne na binili niya doon pa lang sa supermarket.

“Dapat duon pa lang kung may reklamo ka ginawa mo na agad di ba ? Bakit inuwi mo pa sa bahay saka ka nag reklamo,” pagpapatuloy pa ni Manay Lolit.

Chika pa niya, nalalagay tuloy sa hindi magandang sitwasyon ang malaking supermarket dahil sa nangyari.

“Ang hirap din burahin kung ganyan nakalagay na agad sa social media ng hindi man lang nakukuha ang panig nila. Pero ang talagang questionable, how come na kung pangit na hitsura ng karne, kinuha at inuwi pa sa bahay saka nag reklamo,” hirit pa ni Manay Lolit.

“Pag bumibili sa supermarket, check muna bago ilagay sa cart at bayaran. Bakit hindi ito nagawa ni Jennylyn Mercado?” hirit pa niya.

Ayon pa kay Manay Lolit, maaari pa nga raw ireklamo ang Kapuso actress ng malaking supermarket dahil sa ginawa nito.

“Kaya sana, huwag basta nagri reklamo sa social media account mo, tiyakin muna na tama ang ginagawa mo. Ngayon pa na panahon ng bilihan dahil December. Mas lalo silang maingat sa paninda nila. I am sure,” habol pa ng kolumnista.

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ni Jennylyn sa kanyang Instagram story ang larawan ng nabili niyang karne.

“Hello @snr_official, quick question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itsura ng meat n’yo?” ayon sa text text caption ng Kapuso actress.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag mula sa management ng supermarket patungkol sa isyu. Wala ring post ang celebrity mom kung may sagot na nga ba o kung nag-reach out na ang S&R sa kanya.

Related Chika:
Dennis tagos sa puso ang Mother’s Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending