PCG haharangin ang mga Badjao, ‘passenger background check’ ipatutupad

PCG haharangin ang mga Badjao, ‘passenger background check’ ipatutupad

MAGKAKAROON ng “passenger background check” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilio, nais nilang harangin ang mga Badjao na may planong bumiyahe papuntang Metro Manila upang mamalimos ngayong paparating na ang kapaskuhan.

Hinala ng mga awtoridad, hawak ng mga sindikato ang mga namamalimos na katutubo.

Karamihan daw dito ay mula pa sa Tawi Tawi, Sulu, Basilan, at Zamboanga City.

Sinabi din ni Balilio sa mga reporter sa pamamagitan ng Viber message na kasama nila ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng background checks ng mga pasahero.

Sey pa ng PCG spokesman, “If there’s reasonable ground [to block them], they will not be allowed to board. Our agreement with the DSWD is to be meticulous with suspicious travelers.”

Kamakailan lang ay nagsagawa ng rescue operations ang DSWD at nasa isandaang mga Badjao nga ang kanilang nasagip.

Bukod sa pinamimigay na food packs at hygiene kits, ang bawat Badjao na na-rescue ay nakakuha rin ng ayudang tig P10,000 na pwede nilang gawing puhunan para makapagpatayo ng sariling negosyo.

Natuklasan din ng DSWD na ang kinikita pala ng mga katutubo sa paglilimos ay umaabot ng hanggang P5,000 kada araw.

Ayon kay Social Welfare Secretary na si Erwin Tulfo, nalaman nila ito nang ma-interview nila ang mga Badjao na nasagip.

Nauna nang sinabi ni Tulfo na mali ang dating ginagawa ng ahensya dahil hindi nito nareresolba ang problema ng mga Badjao.

Related chika:

Mga namamalimos na Badjao sa NCR kumikita ng P5k kada araw – DSWD

Mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila binigyan ng P10K ng DSWD

Badjao Girl Rita Gaviola walang breast cancer: Hindi na ako magwo-worry, matututukan ko na ang baby ko

Read more...