KASADO na ulit ang voter registration sa bansa.
Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa social media na magsisimula ito ngayong December 12 at magtatapos ng hanggang January 31, 2023.
Sa isang pahayag na inilabas ng Comelec, nilista nila ang mga aplikasyon na kanilang tatanggapin.
Kasama na riyan ang first-time Sangguniang Kabataan election voters and regular voter, transfer of voter registration record, reactivation of voting status, at correction/change of entries in the voter registration record.
Sa hiwalay na Facebook post, inanunsyo ng Comelec na bukas ang kanilang opisina ng Election Officer o satellite registration sites mula 8 a.m. to 5 p.m., Lunes hanggang Sabado.
Bukas rin daw ang kanilang mga tanggapan kahit holidays.
Samantala, mas maaga namang magsisimula ang overseas voting registration na mangyayari mula ngayong Disyembre 9.
Ayon pa kay Office for Overseas Voting (OFOV) Director Sonia Bea Wee-Lozada, “Kasama rin po sa resumption ng overseas voting registration ‘yung registration here in Manila… These are for, sa ating mga kababayan na palabas pa lamang.”
Patuloy pa ni Lozada, “They know that they’ll be abroad on election day sa 2025. So they can register na po bago sila ma-deploy.”
Nabanggit din ng Comelec na ang pilot testing para sa Register Anywhere Project (RAP) ay mag-uumpisa mula December 17 hanggang January 22, 2023.
Ang pilot testing ay mangyayari sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM South Mall, Robinsons Place Manila, at Robinsons Galleria.
Related chika:
Frankie Pangilinan binanatan, pinagtawanan ng bashers; pati make-up sa Comelec rally inokray
Karen Davila, Mel Tiangco ginisa ang Comelec officials sa nangyaring aberya sa halalan
Frankie Pangilinan sumugod sa Kakampink rally sa Comelec, binanatan si Bongbong