RR Enriquez gigil much sa ‘cheating is a blessing’ hugot ni Pambansang Kolokoy: Elbow kita koya, you like?!

RR Enriquez gigil much sa 'cheating is a blessing' hugot ni Pambansang Kolokoy: Elbow kita koya, you like?!

RR Enriquez at Joel Mondina

GIGIL much ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa latest social media paandar ng controversial vlogger na si Joel Mondina o mas kilala sa tawag na Pambansang Kolokoy.

Hindi pinalampas ni RR ang naging pahayag ni Joel tungkol sa kanyang anak at sa sinabi nito tungkol sa panloloko niya sa nakahiwalay niyang asawa at vlogger din na si Marites Mondina.

Nakita kasi ng reyna ng pakikisawsaw ang pag-flex ni Pambansang Kolokoy sa kaniyang bagong baby. Sabi nito, “Kahit ano pang sabihin n’yo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganu’n!”

Hirit pa niya na siyang ikinaimbiyerna ni RR at ng iba pang netizens, “Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa.”

Hindi na ito makita sa social media account ni Joel kaya malamang binura na niya ito dahil sa dami ng nag-react at bumatikos sa kanya.

Pero na-save na nga ito at na-screengrab ng mga netizens kabilang na ang aktres-model at negosyanteng si RR.


Hirit niya, “As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now…

“Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent.

“But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing. ELBOW KITA KOYA YOU LIKE?” ang sabi pa ni RR.

“Gigil much si Sawsawera Queen nyo,” dagdag pa niyang mensahe kay Pambansang Kolokoy.

Habang isinusulat namin ito ay wala pa kaming nababasang reaksiyon ni Joel Mondina.

Kung matatandaan, ikinagulat ng mga tagasuporta ni Joel ang naging rebelasyon nito tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis. Inakala ng marami na prank lamang ito pero kinumpirma nga ng vlogger na totoo ang chika.

Inamin din niyang ibang babae ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

RR Enriquez sa mga kapwa sawsawera: Utang na loob, gamitin n’yo yung maganda kong pictures

Read more...