Joyce Pring naka-jackpot kay Juancho Trivino: ‘I want to honor you for being so present in Eliam’s life’

Joyce Pring naka-jackpot kay Juancho Trivino: 'I want to honor you for being so present in Eliam's life'

Juancho Trivino, Joyce Pring at Eliam

FEELING lucky and blessed ang Kapuso TV host at celebrity mommy na si Joyce Pring sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Juancho Trivino.

Todo-todo ang papuri at pasasalamat ni Joyce sa kanyang mister dahil sa pagiging hands on daddy nito sa anak nilang si Eliam, kahit na nga kaliwa’t kanan ang trabaho nito.

Si Joyce ang guest ni Juancho sa kanyanh podcast na “One on Juancho” at dito nga niya naikuwento na napakarami niyang natatanggap na comments tungkol sa pagiging tatay ng Kapuso actor.

“I often get a comment from a lot of people na ‘Grabe ang bait, ang galing naman ni Juancho, hands-on siya kay Eliam,” sabi ni Joyce.

Aniya pa, “I want to honor you for being so present in Eliam’s life and for always making sure that you spend time with him, I see you become more patient with him, and talagang you go out of your way to be there for him.”


Kamakailan ay nag-post si Juancho sa kanyang Instagram account ng ilang litrato nila ni Eliam habang nagba-bonding sa swimming pool.

“Pause muna kay Padre Salvi, Padre de Pamilia muna tayo,” ang caption ng aktor sa kanyang IG post na ang tinutukoy ay ang karakter niya sa hit fantasy-drama series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra”.

Samantala, nabanggit din ni Joyce na palaging ready si Juancho na tumulong sa pag-aalaga sa kanilang anak lalo na kapag siya naman ang may work.

“Kapag sinabi kong ‘Kailangan kita para may mag-aalaga kay Eliam’ talagang ‘yun ‘yung ginagawa mo and I appreciate that.

“I always feel like you put our family first above everything,” sey ng Kapuso celebrity mommy.

Reaksyon naman ni Juancho, “Kinilig naman ako sa pa-message and honor sa akin ng aking asawa, siyempre I want to be hands-on sa ating mga anak.”

Sa isang panayam, sinabi ng mag-asawa na nae-enjoy nila ang pagiging hands-on parents kay Eliam.

“Ipinakita ko du’n sa isang video na humiga ako dun sa lap niya. ‘Yung reaksyon niya sa akin na parang sobrang welcoming niya at sobrang love na love niya ako, ‘yun ‘yung rason kung bakit namin gusto na kasama namin siya palagi,” chika ni Juancho.

Very soon naman ay magiging dalawa na ang kanilang anak dahil sa April, 2023 ay manganganak na nga si Joyce.

Joyce may bagong nadiskubre sa anak nila ni Juancho; Lani tuloy na ang pagbabalik sa ‘The Clash’

Pamilya ni Juancho Trivino hindi rin nakaligtas sa bagsik ng COVID-19; mas tumindi pa ang kapit kay Lord

Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Read more...