Hashtag Paulo Angeles itinuloy ang pag-aaral nang mawalan ng project sa ABS-CBN; ibinuking si Aga Muhlach

Hashtag Paulo Angeles itinuloy ang pag-aaral nang mawalan ng project sa ABS-CBN; ibinuking si Aga Muhlach

Elijah Canlas, Age Muhlach at Paulo Angeles

HINDI nasayang ang pagtigil sa showbiz ng Kapamilya actor at dating member ng Hashtag na si Paulo Angeles noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Habang walang ibinibigay na projects sa kanya ang ABS-CBN at Star Magic ay bumalik siya sa pag-aaral para hindi siya matengga at magkaroon pa rin ng pinagkakaabalahan.

In fairness, nakagawa na rin ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz si Paulo matapos magbida sa ilang Kapamilya shows.

Taong 2014 nang maging bahagi siya ng Star Magic ngunit nawalan nga ng trabaho nang magkapandemya kasabay ng pagitil ng operasyon ng ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa.

Kaya naman todo ang pasalamat niya sa TV5 nang mapasama siya sa primetime drama na “Suntok sa Buwan” na pinagbibidahan nina Elijah Canlas, Maris Racal at Aga Muhlach.

Nakachikahan namin at ng ilan pang miyembro ng entertainment media si Paulo kamakailan at natanong nga siya kung kumusta katrabaho sina Elijah at Aga.


“Pareho silang napakagaling umarte so I feel very fortunate to be given the chance to work with both of them.

“We shot the show lock in on location in Baguio at roommates kami ni Elijah sa hotel at nagkasundo kami agad so we bonded well.

“Magaling talaga siya umarte at ang dami na niyang awards kahit bata pa siya, so sabi ko sa kanya, turuan mo naman akong umarte,” papuri niya kay Elijah.

Patuloy pa niya, “Sir Aga naman is so friendly, considering his stature in the industry. Masaya siyang katrabaho.

“Laging nagpapatawa sa set. Sobrang generous din siya in giving us tips not only about acting but about showbiz and life in general,” aniya pa.

Tungkol naman sa takbo ngayon ng kanyang showbiz career, “I was only 14 when I joined showbiz and now, I just turned 25 on October 27. I was part of Hashtags in ‘Showtime’.

“I played a lead role in an episode of ‘Maalaala Mo Kaya’ and in a series with Barbie Imperial in iWant, but I’d say my career has not really taken off.

“Last year, habang walang trabaho dahil sa pandemic, I went back to school online, taking up public administration at Trinity College,” kuwento ni Paulo.

“I’m the second of three sons at ‘yung kuya ko, tapos na ng medicine, and ‘yung sumunod sa akin is now taking up his masters.

“So my parents said I better go back to school para may diploma rin ako kasi nga showbiz is so unstable.

“But I’m glad naging part ako of a great show like ‘Suntok sa Buwan’ that will have its very touching ending on December 8, so don’t miss it dahil tiyak na maiiyak kayo,” pahayag pa ni Paulo Angeles.

Aga Muhlach payag gumawa ng serye basta sa Baguio ang location, may payo kay Elijah Canlas

Raymond Gutierrez happy ang lovelife, aminadong in a relationship na

Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling

Read more...