Pamilya ni Juancho Trivino hindi rin nakaligtas sa bagsik ng COVID-19; mas tumindi pa ang kapit kay Lord Bandera

Pamilya ni Juancho Trivino hindi rin nakaligtas sa bagsik ng COVID-19; mas tumindi pa ang kapit kay Lord

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Pamilya ni Juancho Trivino hindi rin nakaligtas sa bagsik ng COVID-19; mas tumindi pa ang kapit kay Lord

Ervin Santiago January 23, 2022 - 07:49 AM

Joyce Pring, Juancho Trivino at Baby Eliam

HINDI rin pala nakaligtas sa bagsik ng COVID-19 ang pamilya ng Kapuso TV host at celebrity mommy na si Joyce Pring.

Nag-share si Joyce sa publiko ng nagine experience nila ng asawang aktor na si Juancho Trivino sa pakikipaglaban sa COVID-19, pati na rin ang panganay nilang si Alonso Eliam.

Sa kanyang mensahe, ipinagdiinan ni Joyce ang kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos at kapayapaan ng pag-iisip sa gitna ng mga matitinding pagsubok sa buhay.

“Our little family just weathered a bout with (COVID-19) and I’m glad we’re all finally recovering,” ang panimulang mensahe ng Kapuso star na ibinahagi niya sa kanyang Instagram followers nitong nagdaang Jan. 20.

Ayon pa kay Joyce, talagang nakakapraning kapag nalaman mong nagpositibo ka sa COVID-19, lalo pa nga’t meron silang batang kasama sa bahay. 

Pero aniya, ang guidance at ang paniniwala nila sa kapangyarihan ng Diyos ang naging sandalan at sandata nila sa kanilang laban kontra COVID.

“The battle with (COVID-19) is a mental one almost as much as it is physical. But what I kept holding onto in the daze of the disease was this: It’s never about peace despite circumstances but peace with God. 

“I think the hardest thing about sickness is it forces us to come face to face with our own fragile existence and even worse, the fragile existence of those we love,” pahayag ni Joyce. 

Dagdag pa ng TV host, “It’s hard coming to terms with reality. It’s hard accepting we’re vulnerable, finite, and so deeply at the mercy of our Creator. 


“And so we must make peace with our God and trust Him through all of life’s seasons: the joyful ones that are easy to embrace and welcome and those that are harder to weather,” lahad ng misis ni Juancho.

Sa huli, nagbigay din ng inspiring message at nag-alay ng taimtim na dasal si Joyce sa lahat ng kanyang social media followers na nakikipaglaban din ngayon sa virus.

“Praying for all of you who are still in quarantine, recovering, and those of you who are pulling all the Matrix moves to continue avoiding this thing. Praise God for our restored health,” pahayag pa ng Kapuso TV host.

Kung matatandaan, ikinasal sina Joyce at Juancho noong February,   2020 at biniyayaan nga ng isang anak, si Baby Alonso Eliam na isinilang naman noong July 2, 2021.

Joyce may bagong nadiskubre sa anak nila ni Juancho; Lani tuloy na ang pagbabalik sa ‘The Clash’

Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending