Derek nangako sa ina ni Cristine, hinding-hindi na raw magsasalita | Bandera

Derek nangako sa ina ni Cristine, hinding-hindi na raw magsasalita

Cristy Fermin - October 04, 2013 - 03:00 AM

Derek Ramsay at Cristine Reyes

Nakakuwentuhan namin si Derek Ramsay nu’ng Miyerkoles nang gabi sa ginanap na Trade launch ng mga bagong programa ng TV5. Maraming lumalambing ng panayam sa kanya, pero marespeto siyang tumanggi, nangako raw kasi siya sa ina ni Cristine Reyes na hindi siya magsasalita tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ang maliwanag lang niyang sinasabi ay walang may kasalanan sa kanilang break-up, wala ring third party, ang nangyari raw ay isang desisyon na pareho nilang ginusto.

Sa kanyang pagpapaliwanag ay naramdaman namin na pigil na pigil ang hunk actor, meron siyang gustong idiin, pero hindi niya naman ‘yun magawa dahil meron nga siyang binitiwang pangako kay Mommy Klenk.

Dahil sa hindi niya pagsasalita ay marami tuloy nagdududang imbento lang daw nila ang pagkakaroon ng relasyon at ngayon naman ay ang kanilang paghihiwalay para lang mapainit ang promosyon ng ginagawa nilang pelikula.

Pero ang sabi ni Derek ay puwedeng sabihin ninuman ang gusto nilang sabihin, pero hindi niya kayang lokohin ang kanyang sarili, totoong nagmahalan sila ng dalaga.

Meron ding mga nagkokomento na siguro raw ay hindi niya na kinaya ang ugali ni Cristine na parang panahon na hindi mo alam kung uulan o aaraw, hindi sanay sa ganu’ng klase ng babae ang aktor, kaya mas minabuti niyang kumalas na.

Puro ngiti lang ang isinasagot ng binata sa mga ganu’ng tanong, tahimik lang siya, wala siyang pinakakawalang tugon sa mga nagtatanong sa kanya.

Mas mabuti na nga sigurong maging magkaibigan na lang sila para mas gumanda ang sitwasyon sa kanilang pagitan, mas naiintindihan nila ang isa’t isa nu’ng magkaibigan pa lang sila, kesa nu’ng maging magkarelasyon na sila.

Sa totoo lang. At kung mauna mang magsalita si Cristine ay ito na ang magdadala nu’n, hindi si Derek, saka bago pa ba naman sa babaeng ito ang pagkuda nang pagkuda tungkol sa kanyang lovelife?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending