Angeline super proud sa sarili: Napaka-strong ko palang babae, sa kabila ng mga nangyari sa akin, heto pa rin ako…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Angeline Quinto ay Baby Sylvio
“ALL-AROUND” ang peg sa bahay ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ngayong isa na siyang nanay.
Kinakarir pa rin ng celebrity mom ang pag-aalaga sa anak nila ng kanyang fiancé na si Nonrev Daquina kahit na marami siyang trabaho.
Matapos niyang ipanganak si Baby Sylvio last April ay binabalanse na ni Angeline ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay at career.
“Na-discover ko na napakarami ko pa lang kayang gawin bukod sa trabaho ko na napagsasabay ko ang trabaho.
“Parang ngayon, ako din ‘yung gumagawa ng gawaing bahay. Meron namang (kasambahay) pero mas gusto ko na ako ‘yung mas hands on sa anak ko,” sabi ni Angeline sa isang panayam.
Aniya pa, “So, kapag nag-aaral ako ng kanta tapos umiyak si Sylvio, tatakbo ako sa kuwarto niya, ganu’n.
“Ayoko ring may nami-miss yung mga milestone ng anak ko. Nakatabi sa akin lahat, ‘yung first na gupit ng kuko, ‘yung mga ganyan,” chika pa niya
“Kapag wala talaga akong work, ako ‘yung nagpapaligo sa kanya. Ako nagpapakain tapos pag matutulog na siya. Ayoko sa crib. Gusto ko katabi ko siya sa kama.
“Totoo pala ‘yun na kapag nanay ka na, kahit pagod na pagod ka sa work, pag-uwi mo sa bahay nawawala lahat ng pagod mo pag nakita mo yung anak mo,” pagbabahagi pa ng singer.
Tungkol naman sa mga discoveries niya bilang nanay, “Marami. Siguro bukod sa work, ang na-discover ko simula nu’ng nagkaroon ako ng anak, na napaka-strong ko pala na babae. Na despite sa lahat ng mga nangyari sa akin, heto ako nagtatrabaho pa rin ako para sa future nga anak ko.
“Akala ko kasi dati hindi ko kaya maging nanay. Hindi pa ako ready dati. Kasi nga after nung nawala si Mama Bob hindi ko na alam yung purpose ko talaga sa buhay. So everyday nagdadasal ako kung ano yung purpose ko, so binigay si Sylvio,” pag-amin niya.
Hands on din daw si Nonrev sa anak nila, “Pagdating kay Sylvio, dalawa kami diyan, eh. Hindi lang puwedeng ako, hindi lang puwedeng siya lang ‘di ba?
“Naintindihan naman niya, like minsan aalis ako ng bahay tulog pa sila. Uuwi ako ng bahay tulog na sila. Medyo mahirap sa part ko lalo pag pagod ako para makita ko lang silang maayos, okay na ako,” aniya pa.