Heart proud na proud kay Atasha Muhlach matapos rumampa sa ‘Le Bal des Débutantes’ sa Paris

Heart Evangelista, Atasha at Andres Muhlach

NAGPASABOG ng kagandahan ang dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach sa isang bonggang  fashion event sa Paris.

Kasama ni Atasha ang kanyang kakambal na si Andres Muhlach na nagsilbing escort niya sa Le Bal des Débutantes sa Paris, France.

Isa ang dalaga sa 20 kabataang babae na inimbita sa naturang charity ball sa Paris, kung saan inirampa nga nila ang haute couture and couture gowns para sa makabuluhang dahilan.

In fairness, agaw-eksena ang pagdating ni Atasha sa event with her sparkling silver high-slit gown na gawa ng British designer na si Sabina Bilenko habang naka black-tailcoat suit naman si Andres.

Makikita ito sa Instagram page ng editor-in-chief ng Tatler Philippines na si Anton San Diego.

May isang eksena rin si Atash habang nagsasayaw kasama ang amang si Aga habang busy naman si Charlene sa pagkuha ng kanilang mga picture.

Samantala, nagkaroon din ng chance sina Aga at Charlene at ang dalawa nilang anak na maka-bonding ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na invited din sa naganap na debutante ball.


Proud na proud si Heart kay Atasha na tinawag pa niyang “Pinoy pride” at talagang ibinandera pa niya ito sa kanyang Instagram account kahapon.

“So proud of this young woman for representing the country tonight,” ang caption ni Heart sa photo ni Atasha.

Reaksyon naman ni Charlene sa mensahe ni Heart, “Lovely as ever Heart. nice catching up with you. you are gorgeous inside and out.”

Nitong nagdaang Setyembre, ibinalita ng dalaga nina Aga at Charlene na kasama siya sa mga kabataang babae mula sa iba’t ibang bansa na napiling um-attend sa nasabing charity ball.

Ang kikitain sa naturang “per invitation-only event” ay gagamitin sa iba’t ibang proyekto ng mga charitable institutions na nagtataguyod at naninindigan sa “empowerment of young women and young men, as well as the harmony of nations.”

Nakasaad pa sa official website ng Le Bal des Débutantes, “The Debs and cavaliers come from about 12 different countries, and thus brings together movers and shakers from all sorts of cultures and walks of life across the globe.

“The guests come together to celebrate the Debs and their cavaliers, and help some less fortunate ones.”

Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Charlene muling humataw sa pagsasayaw makalipas ang ilang taon, hirit ni Aga: ‘You challenging me my love?’

Aga, Charlene nagpositibo sa COVID habang nagbabakasyon sa US: Praying for complete healing…

Read more...