Pooh gustong resbakan ang bashers: 'Sana napakain mo ako nu'ng sinasabi mo na wala akong utang na loob' | Bandera

Pooh gustong resbakan ang bashers: ‘Sana napakain mo ako nu’ng sinasabi mo na wala akong utang na loob’

Ervin Santiago - November 27, 2022 - 11:46 AM

Pooh gustong resbakan ang bashers: 'Sana napakain mo ako nu'ng sinasabi mo na wala akong utang na loob'

Pooh

SINAGOT ng komedyante at TV host na si Pooh ang akusasyon sa kanya ng ilang bashers na isa siyang ingrato at walang utang na loob.

Ito yung panahong iniwan niya ang ABS-CBN para lumipat sa TV5 matapos pagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang Kapamilya network noong 2020.

Isa si Pooh sa mga artista ng ABS-CBN na nakatanggap ng kaliwa’t kanang pamba-bash mula sa mga bashers at haters nang mag-ober da bakod sa TV5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by pooh the comedian (@pooh_tik)


“Yung mga tao naman kasi na nagsasabi about loyalty, gusto ko ngang balikan, e. Parang nasaan na yung sinasabi niyo sa akin na loyalty? Kasi, may mga bashers na ganu’n, e. ‘Wala kang utang na loob, wala kang ganito.’

“Parang gusto kong balikan na, ‘Sana napakain mo ako nu’ng sinasabi mo na wala akong utang na loob.’ Tapos ngayon, ‘O, nasaan ka, di ba?'” paliwanag ni Pooh nang makapanayam ng ilang members ng press sa mediacon ng Cignal Entertainment at TV5 Showbiz Caravan Press Luncheon noong November 19.

Dagdag pa niya, nabawasan na rin ang mga nagsasabi ng masasama sa kanya, “Hindi naman kami napakain ng utang na loob nila, e. Ang maganda, nagkasundo naman sila. Sa mga nagsasabi ng ganu’n, nanahimik naman sila.”

Bukod sa sitcom niya sa TV5 na “Oh My Korona” na pinagbibidahan ni Maja Salvador, makaka-join din siya sa pinaplanong gag show ng Kapatid Network.

* * *

In-extend ng mga Cignal Entertainment artists ang kanilang all-out gratitude para sa walang-sawang suporta ng Kapatid viewers sa matagumpay na showbiz caravan na ginanap noong Nobyembre 17 to 19 sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan.

Hatid ng CignalPlay at Sulit TV, hinighlight ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan ang mga upcoming finales ng kanilang comedy programs na “Oh My Korona” at “Kalye Kweens,” movieseryeng “Suntok Sa Buwan,” at ang grand finals ng paboritong bidaoke kantawanan ng bayan na “Sing Galing” at “Sing Galing Kids”

Ang pangmalakasang event na ito ay mas lalong nagningning dahil sa live performances nina Elijah Canlas, Paulo Angeles, at Awra Briguela ng “Suntok sa Buwan;” Alma Moreno, Marissa Sanchez, and Giselle Sanchez ng “Kalye Kweens;” Pooh, Queenay, at Jessie Salvador ng “Oh My Korona;” Randy Santiago, K Brosas, Mari Mar, Zendee, at Singtokers Gab at Daniel naman para sa  “Sing Galing.”

Nag-enjoy rin ang mga mallgoers sa Pasko-Oke Celebrity Bazaar kung saan nakabili sila ng mga pre-loved items ng mga celebrities katulad ni K Brosas. Bahagi ng malilikom dito ay i-dodonate sa mga bata ng National Children’s Hospital at kay baby Aaron na 7-year old patient na may Acute Lymphoblastic Leukemia.

Bukod sa mga masasayang activities, nanalo rin ang mga guests ng mga papremyo mula sa Cignal at sa event presentor na Brilliant Skin Essentials.

Ang tagumpay ng showbiz caravan ang nagpapatunay sa matibay na suporta ng mga Kapatid viewers para sa Cignal Entertainment’s shows sa TV5.

Huwag palampasin ang pinaka-inaabangan na finale ng sitcom “Oh My Korona” sa November 26, ang grand finale ng “Sing Galing” at “Sing Galing Kids” sa December 3 at 10, ang kapanapanabik na pagtatapos ng movieseryeng “Suntok Sa Buwan” sa December 8 at ang konklusyon ng bardagulans naman sa “Kalye Kweens” sa December 24.

Maaaring mapanood ang mga na-miss mong episodes sa CignalPlay app kung saan ito’y available sa lahat ng PH subscibers.

Pooh ikinumpara sa ‘poqui-poqui’ si Rayver: Naka-boxers lang kasi kami lahat tapos pagyakap niya sa akin…

Pooh, Anton Diva 20 years nang mag-BFF; gamit na gamit sina Ogie at Regine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Ang hinihiling ko po talaga sa sambayanan ay ipagdasal kami…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending