HOROSCOPE October 03, 2013 | Bandera

HOROSCOPE October 03, 2013

Madam Sophia - October 03, 2013 - 01:32 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag ng isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 18, 21, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Violet at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Habang tumitindi ang sikat ng araw maraming magagandang oportyunidad ang darating. Ang mga Aries ay likas na suwerte kapag umaaraw, lalo na sa pinansyal at sa pag-ibig.   Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Pad-Me-Om.” Maroon at pink  ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—         Ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na violet, red at dilaw. Sa pag-ibig higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 3, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.”
Gemini – (May 21-June 21)—       Sa pinansiyal, bagong negosyo na may kaugnayan sa cell phone, internet at computer ang magbibigay ng asenso. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na isinilang sa zodiac sign na Sagittarius. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—          Tama ang naisip mong mag-iba ng “style”. Baguhin  ang style ng iyong buhok. Sa maikling buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at pinansyal.  Kung carry mo, mag-lagay narin ng kapirasong tattoo sa katawan.  Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta  at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—         ‘Wag kang tatamad-tamad. Ngayon na ang panahon upang magbagong buhay. Upang umunlad pagbutihin at ibigay ang the best sa anomang ginagawa, lalong-lalo na sa pag-ibig at sa propesyon. Mapalad ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Om-Pad-Me-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—           Upang yumaman, magpataba! Ang mga taong may bilugang pagmumkha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, “sexy din naman ang matataba”. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—           Upang maiwasan ang sakit na usong-uso, bumili ng sariwang prutas at ito ang laging kainin. Sa ganyang paraan, hindi ka tatablan ng karamdaman. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal, hanggang mauwi ang session sa masarap na romansahan. Mapalad ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—           ‘Wag aanga-anga upang hindi lumagpas ang magandang kapalaran. Pag may dumating na oportyunidad ng pagkakakitaan, sunggab agad ang dapat. Sa pag-ibig wag ng pakawalan ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 7, 19, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Maroon at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—         Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin ka, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari nyang ilagay sa kanyang silid, upang lagi ka nyang maalala. Mapalad ang 6, 9, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Royal blue at red ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag maghintay ng suwerte sa sinilangang bayan. Sa malayong pook matatagpuan ang pag-unlad. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Om-Jai-Om-Shari-Om.” Gold  at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—             Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. Sa pag-ibig, muling sasaya at magiging maligaya ang bawat araw. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—            Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” White at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending