Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: ‘Hindi pa po yata ako handa’

Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: 'Hindi pa po yata ako handa'

Sean de Guzman, Jake Cuenca at Dimples Romana

TINANGGIHAN ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang offer sa kanya na magbida sa isang LGBTQIA+ movie noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Kasama si Dimples sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na “My Father, Myself” na pinagbibidahan din nina Sean de Guzman at Jake Cuenca.

Sa pelikula, magkakainlaban ang mga karakter nina Jake at Sean na ikaka-shock ni Dimples na gaganap ngang asawa ni Jake sa kuwento. Ampon ni Jake si Sean na anak ng dati niyang boyfriend na ginagampanan ni Allan Paule. Grabe ang story line, di ba?

Isa lang yan sa twist na dapat abangan ng mga manonood dahil ayon sa direktor nitong si Joel Lamangan  napakarami pang pasabog at shocking scenes ang “My Father, Myself.”

Sa ginanap na presscon ng MMFF 2022 entry kamakailan, natanong si Dimples kung may offer na ba sa kanya na gumawa ng girl’s love series or movie na kinakailangan ng sensitive at intimate scenes.


“I wouldn’t lie, there was an offer and this offer came during pandemic. But as you know, I have a husband I have to report to every single time. This is not only by a mandatory rule, not obligatory at all, but out of respect.

“So ako, as an actor, sa totoo, I’m always very curious. Kasi, ano ‘yan, parang sakit ng artist ana tumanda na sa industriyang ito, nag-i-itch ka, kaya ko ba ‘yan gawin? Magagawa ko ba ‘yan gawin? The bigger the risk, the bigger the reward.

“Noong in-offer sa akin ‘yon, ito ay isang director rin na nanay-nanayan ko, sabi ko lang po, hindi pa po yata ako handa. Kasi, hindi ko naramdaman sa puso ko na handa na ako,” pag-amin ni Dimples.

Kaya naman matapos nilang gawin ang “My Father, Myself” ay mas tumaas pa raw ang paghanga at respeto niya ki a Jake at Sean.

“Ang taas ng respeto ko kay Jake at kay Sean kasi, it takes a lot of hearts and guts to follow through that kind of scene.

“Kailangan buong-buo ang loob mo bilang artista. At that time, pinanghihinaan pa ang loob ko. Hindi ko rin alam kung dahil pandemic nu’n and I’m shying away from the role that I’m not used to. It was I na hindi ko alam kung kaya kong i-deliver,” sey ng aktres.

Pero sabi ni Dimples, gusto rin niyang gumawa ng girl’s love project para ma-experience rin niya ang proseso nito pero siguradong may mga hihilingin daw siyang limitasyon dahil nga may asawa’t mga anak na siya.

Samantala, kakaibang uri nga ng pag-ibig ang mapapanood sa MMFF 2022 entry na “My Father,  Myself.”

Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman  para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?

Yan ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 MMFF.

Ang “My Father, Myself” ay  pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa   Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na  Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.  Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang “Anak Ng Macho Dancer”, “Lockdown”, “Fall Guy” at marami pang iba.

Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng “My Father, Myself” sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang “My Father, Myself” ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,

Ang mga producer ng “My Father, Myself” ay sina Len Carillo, Win Salgaldo, Jumerlito P. Corpuz, Nicanor Abad at Bryan Dy.

Dimples Romana 24 years na sa showbiz; may promise sa mga batang artista

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Dimples ibabandera ang pinagdaraanan ng mga OFW; hindi sine-censor ang socmed ng anak

Read more...