INAMIN ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na minsan na niyang naranasan na magkaroon ng isang abusive relationship.
Sa kanyang social media post ay ibinahagi niya na noong bata pa siya ay napasok nga siya sa isang emotionally at physically abusive relationship.
Umpisa ni Bianca, “In my teen years, I was in an emotionally and physically abusive relationship.”
Natagalan rin bago siya makaalis sa hindi magandang sitwasyon
Pagkukwento pa niya, hindi raw siya makakaalis sa kanyang hindi magandang sitwasyon kung hindi dahil sa kanyang mga kaibigan.
“It was only when I mustered up the courage to tell a friend about it that they helped me wake up and realize I HAD to get out of that situation,” lahad ni Bianca.
Kaya nga raw simula noong mangyari sa kanya ito ay ipinangako niya sa sariling tutulong rin siya sa mga taong makakaranas ng kaparehas na sitwasyon na kanyang pinagdaanan.
Nangako rin ang “Pinoy Big Brother” host na magsisilbi siyang kakampi at magiging tulay rin siya upang maibahagi ang mga kwento patungkol sa pang-aabuso para marami rin ang matuto ukol rito.
“I pledge to listen, and do what I can to help others who may be in the same situation, to encourage them to voice it out and share even to just one person, because that is when empowerment to get out of the cycle of violence begins,” sey ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Ending the culture of violence and inequality will take all of us working together. Together, we can #EndVAW.”
Hinikayat rin niya ang mga kababaihan na nakaranas ng pang-aabuso na ibahagi ang kanilang mga istorya upang mas rumami pa ang maabot ng mensahe na hindi dapat matakot na ipaglaban ang sarili upang wakasan anf pang-aabuso.
“Join us, I encourage you to share your story or state your pledge on your social accounts, and tag #OrangeTheWorld and #UNITEPHtoEndVAW to help spread the word. #16DaysofActivism starts today until December 10, and every day I will be sharing your posts to reach more people, so please do tag me as well.”
Related Chika:
Bianca Gonzalez sinabihang ‘walang views’ ang vlog, dumipensa: Iba-iba ng rason ang tao to create content
Bianca Gonzalez may babala ukol sa pag-follow sa social media: Choose wisely!
‘May topak ka’: Bianca Gonzalez may swabeng bwelta sa bastos na basher
Bianca Gonzalez nababahala sa mga mahihilig magmura sa socmed