HINDI na ipinagpilitan pa ni Direk Joel Lamangan sa mga taga Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil binigyan ng rating na R-18 ang pelikulang “My Father, Myself” na isa sa entry sa 2022 Metro Manila Film Festival na mapapanood ngayong December 25.
Hiniling nila sa board na sana gawing R-16 ang pelikula nina Jakes Cuenca, Sean de Guzman, Tifanny Grey at Dimples Romana pero dahil may kissing scenes ang dalawang bidang lalaki kaya R-18 ito.
Bukod dito hindi rin kasi ipinalalabas sa SM cinemas kapag R-18 kaya malaking kabawasan ito para sa pelikula na hindi maipalabas sa nasabing mga sinehan.
Ayon sa premyadong director, “Ang lahat ng pelikulang Pilipino ay ipinapasok sa MTRCB upang kanilang i-classify. Ang hindi lang ipinapasok (ipinare-review) ay ‘yung mga hindi ipinalalabas sa mga mainstream theaters.
“At dahil MMFF ito kailangang ipasok talaga sa MTRCB. Ako ay dating Deputy ng MTRCB kaya alam ko ang kalakaran, ang bawa’t isang tao o isang grupo ng tao ay may ibang perception sa isang pelikula.
“May isang grupo ng taong sasabihin, ‘ay pang matatanda lang ‘yan! Ay ito pang bata, ay ito pang gitna, ito pang bakla, ito pang ganito o ganyan. Dahil ang pelikula ay isang sining, iba-iba ang pagtingin, so, ang MTRCB nu’ng pinanood nila ay napakaganda ng pelikula, pero napaka delikado ng tema,” lahad ni direk Joel.
“Nagpakita ako ng mga love scenes ng bakla, delikado raw ang tema kaya ang perception, iyon ay pang adult. Sa perception ko ay hindi pang gaanong adult, R-16. Magkaiba ang perception, siyempre inilaban ko, talaktakan kaming lahat.
“Sa kahuli-hulihan siyempre talo ako! Sila ang nanalo! Umuwi akong talo! Akin lamang tinanggap na R-18 hindi ako nakalusot sa aking pagpapaliwanag, ‘yun naman ay healthy dahil kailangan naman talaga na tumayo ang MTRCB sa kanilang pinaniniwalaan.
“Hindi maganda ang MTRCB na hindi maintindihan kung ano ang kanilang paniniwalaan. Kung naniniwala silang ito’y R-18, sila ang masusunod, sila ang police ng state, sila talaga ang police ng state upang kontrolin ang mga napapanood ng tao sa sinehan ayon sa saligang batas.
“So, wala kaming gagawin kundo lunukin ko kung ano ‘yung pagkatalo ko sa diskusyon. Pero hindi ako umalis na luhaan, taas noo pa rin ako. PInalakpakan nga nila ako, eh!”
Ayon pa kay direk Joel ay siya ang may pinakamaraming pelikulang ginawa sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival at ito ang unang pelikula niyang nabigyan ng R-18 rating.
“Napakagandang karanasan ko. First time kong gumawa (LGBTQIA+) lahat ng Mano Po (movie series), MMFF, lahat ng award winning ko MMFF. Ito lang ang kaisa-isang R-18 at isang malaking karangalan na ako ay (nakakuha) ng R-18. Maraming salamat,” pahayag ng direktor.
Ang “My Father, Myself” ay mapapanood na sa Disyembre 25 for MMFF 2022 #BalikSayasa 2022 mula sa panulat ni Quinn Carillo, istorya at idinirek ni Joel Lamangan produced ng 3:16 Media Network headed by Len Carillo with Jumerlito Corpuz, Nicanor Abad Erwin Ortanez and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.
Related Chika:
3 direktor ng Viva hindi pabor na makialam ang MTRCB sa mga pelikula sa digital platforms
Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na…huwag ganyan