Bianca Lapus inaming nasasaktan ang anak nila ni Vhong sa nangyayari sa ama: If only I can take away the pain

Bianca Lapus inaming nasasaktan ang anak nila ni Vhong sa nangyayari sa ama
AMINADO ang aktres na si Bianca Lapus na labis siyang nag-aalala sa kalagayan ng dating asawang na si Vhong Navarro matapos itong ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) detention facility ng Taguig City Jail.

Matatandaang nitong Lunes, November 21, ay tuluyan na ngang dalhin sa Taguig City Jail ang TV host-comedian mula sa pagkakakulong nito sa National Bureau of Investigation detention center.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Bianca na sobrang apektado ang kanilang anak ni Vhong na si Yce sa kalagayan ng ama.

Nagkakaroon daw ito anxiety lalo na noong tuluyan nang ilipat ang ama sa Taguig City Jail.

“It’s been a very stressful life lately. Bilang nanay, naawa ako sa kanya [Yce]. Kasi nagbi-build up na yung galit niya, yung frustration… Nagiging hopeless siya,” pagbabahagi ni Bianca.

Lagi nga raw niyang pinapaalalahanan ang anak na maging matatag para sa ama.

“Sabi ko kay Yce, ‘Huwag mong isipin yun. Kailangan maging matatag ka. Maniwala ka na the truth will prevail and your dad will be free.’ Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya,” sey ni Bianca.

“Hindi ko rin naman ma-control kasi, siyempre sa nangyayari, binasura yung motion for reconsideration. Binasura yung mag-stay siya sa NBI,” pagpapatuloy pa niya.

May mga posts rin si Bianca ng iba’t ibang quotes na tila may kaugnayan sa pinagdaraanan ng dating asawa.

“If only I can take away the pain,” sabi niya sa caption.

Kaya nga patuloy raw ang pananalangin nina Bianca na sana ay ma-approve na ang kanilang petisyon na makapag-bail si Vhong.

Aniya, “We are still hoping na sana ma-approve yung application for bail niya para at least makapag-bail out siya. Para kahit papaano mas komportable naman.”

Related Chika:
Bianca Lapus tinamaan na rin ng COVID: Sobrang hirap, ang sakit…nakakapraning

Vhong emosyonal sa graduation ng anak kay Bianca Lapus: Ang sarap sa pakiramdam!

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Read more...