TUMANGGAP ng parangal ang aktor na si Andrew Schimmer bilang “Asia’s Most Inspiring Actor” at “Model of the Year” sa nagdaang 6th Asia-Pacific Luminare Awards.
Sa kanyang YouTube vlog nga ay ibinahagi niya ang clips ng kanyang pagtanggap ng parangal noong November 23.
“First of all, gusto ko lang pong magpasalamat sa ating Panginoon, this is all His Glory not mine. I am just a humble servant of our Good Lord… Maraming salamat mga kapatid. Isa lang ang masasabi ko, if you love someone, you fight for that love,” bahagi ng speech ni Andrew.
Matapos nga ang naturang event at agad na bumalik sa ospital ang aktor kung saan naka-admit ang kanyang asawa upang ibandeta ang award na ipinagkaloob sa kanya.
“Love ko, meron tayong award! Binigyan tayo ng award ni Asia-Pacific Luminare. Mag-isa lang ako sa stage kanina. Hindi mo sinamahan ang daddy,” sabi ni Andrew habang ipinapakita ang award sa asawa.
“Look mo oh, sabi dito Mommy, Asia’s Most Inspiring Actor at Model of the Year. Para sa ‘yo to love ko kaya ako may award,” dagdag pa niya.
Pagkukwento ni Andrew, nararamdaman daw ni Jho kung sino man ang nasa paligid niya sa kabila ng kalagayang nito kaya importante na may naririnig itong boses na pamilyar sa kanya.
Magpasahanggang ngayon ay naka-admit pa rin sa ospital si Jho ngunit hindi tulad noong una itong dalhin sa ospital ay mas maayos na ang kalagayan nito.
“Up until now as you can see, she’s still in a very very deep sleep but she’s really really conscious. She can hear me. I can feel it. I can sense it deep down my heart,” pag-update ni Andrew sa lagay ng asawa.
Hiling pa rin ng aktor na sana ay patuloy na maisama sa mga dasal ang asawa para sa agad nitong paggaling at para muli na rin itong makauwi sa kanilang tahanan at magkasama-sama silang pamilya.
Related Chika:
Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life
Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba
Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!