Xian Gaza sinabing hindi kaaway si Donnalyn: She is a friend na ico-call out ka kapag alam niyang mali ka | Bandera

Xian Gaza sinabing hindi kaaway si Donnalyn: She is a friend na ico-call out ka kapag alam niyang mali ka

Reggee Bonoan |November 25,2022
facebook
share this

Xian Gaza sinabing hindi kaaway si Donnalyn: She is a friend na ico-call out ka kapag alam niyang mali ka

Reggee Bonoan - November 25, 2022 - 11:06 PM

Xian Gaza sinabing hindi kaaway si Donnalyn:
FOLLOW-UP ito sa nasulat naming sinagot ng sikat na influencer na si Donnalyn Bartolome ang post ng lalaking ‘Marites’ na si Xian Gaza tungkol sa pinost nito tungkol sa mga babaeng nasa VIP table ng Xylo at Cove Manila.

Post ni Xian, “For every story ng mga babae sa isang VIP table sa Xylo at Cove Manila mayroong isang Sugar Da…y na hindi kasama sa mga video.”

Kaya sinagot ito ng female influencer ng, “No offense Gaza, pero ‘wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa sila dalhin. Nasaan k aba at ako pagbayarin mo sa VIP tble, club of you choice nang malaman mon a hindi lahat ng babae ay may Sugar Daddy at maraming never nagka-Sugar Daddy.”

Sinagot naman ito ni Gaza ng, “Donna, nasa Marquee Singapore po ako. Paki-reimburse. 195K in Philippine peso.”

Sagot ni Donnalyn, “Chat mo sakin bank account mo friend.”

Pero hindi ito sinagot pa ng lalaking Marites.

Hanggang sa muling nag-post si Donnalyn ng larawang may hawak siyang bugkos ng tig isang libo at pinakiusapan ang kaibigang si Marie.

Ang caption niya ay, “Men, pakideposit na yan sa bank account ni Gaza. Ilang araw na, please.

“Marie: Teka lang naman men hindi nga sinesend bank account niya diba? Saan ko ‘to idedeposit? ANO NAAAAAA…”

Finally, sumagot na si Xian Gaza nitong Huwebes, Nobyembre 24 at sinabing matagal na niyang kaibigan si Donnalyn.

May pinost siyang kuha sa isang party na kasama ang mga bata at si Donnalyn.

Ang caption ni Xian, “Donna is not an enemy. She is a friend since 2017 (before Erich billboard) na ico-call out ka kapag alam niyang mali ka at nasa tama yung ipinaglalaban niya and I love her for that. Babanatan ka niya publicly just to prove her point pero never ka niya pepersonalin.

“Actually, I did the same thing to her poverty-themed birthday celeb last July. Ganito talaga kami sa isa’t-isa. We always fight for what we believe is right. Walang kaibi-kaibigan.

“Hindi ko kayang tanggapin yung 195K kasi hindi ko siya kayang perahan. I know her, ide-deposit niya talaga ang halagang ito para lamang patunayan sa lahat na kaya niyang panindigan yung salita niya.”

May isa pang pinost si Xian na larawan ni Donnalyn at ng panganay niyang lalaki.

“This photo was taken 4 years ago on my son’s 3rd birthday celebration in Quezon City. After this event, kaliwa’t kanan na ang mga issue na kinasangkutan ko for the next 2 years.

“Napakarami kong narinig mula sa mga kaibigan at mga kakilala ko in the past. ‘Yung mga friends, schoolmates and teachers ko sa Malabon ay sobrang ikinahiya ako after pumutok ng pangalan ko sa buong Pilipinas bilang isang scammer. I’m a big disgrace daw to our alma mater. Halos lahat sila’y nagdiwang at tuwang-tuwa noong mabalitaan nilang nakakulong ako sa Malabon City Jail.

“But not this genuine woman and so with Pareng Ogie Diaz who’s also present sa birthday party. They will always hate my wrongdoings privately. Papagalitan pa nila ko minsan sa Messenger dahil masyado na daw akong famewhore sa socmed. Mali na daw at wala na sa lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

“Here’s my realization:

“Kahit ano pang kabutihan ang gawin mo, may masasabi’t masasabi sayo ang mga pekeng tao sa buhay mo. Hinihintay nila ang iyong pagbagsak at doon sila hahalakhak.
On the other hand, genuine people are there to stay no matter what happens. Kamuhian ka man ng buong mundo, nandiyan sila… naniniwala pa rin sayo.

“Kaya kung nalagasan ka man ng mga kaibigan along the way… it’s okay. It’s not your loss anyway.

“Ang maiwan ay siyang kakain sa ating hapag-kainan.”

Ayon pa ay pitong taon na ngayon ang anak na lalaki ni Xian na kasalukuyang nasa poder ng nanay nito kasama ang step dad nito na laging pinupuri ng una sa magandang pagpapalaki at itinuring na anak ang kanyang panganay. Hindi naman nakalilimot ang lalaking Marites sa kanyang obligasyon buwan-buwan.

Wala naman kaming nabasang reaksyon ni Donnalyn tungkol sa post na ito ng kaibigang si Xian.

Related Chika:

Xian Gaza ipinagyabang ang P463-M net worth: Para maramdaman ng haters ko kung gaano sila kahirap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending