Miss Eco Teen PH Beatriz Mclelland nakulangan sa napagkasunduan sa COP27 | Bandera

Miss Eco Teen PH Beatriz Mclelland nakulangan sa napagkasunduan sa COP27

Armin P. Adina - November 24, 2022 - 06:51 PM

Miss Eco Teen PH Beatriz Mclelland nakulangan sa napagkasunduan sa COP27

Buo ang suporta kay Miss Eco Teen Philippines Beatriz Mclelland (gitna) ng mga ‘Ate’ niya sa Miss World Philippines na sina (mula kaliwa) Miss Supranational Philippines Alison Black, Reina Hispanoamericana Filipinas Ingrid Santamaria, Miss Eco Philippines Ashley Subijano Montenegro, at Miss World Philippines Charity Cassandra Chan./ARMIN P. ADINA

SA katatapos na United Nations Climate Change Conference (COP27), nagkasundo ang mga kasaping bansa na lumikom ng pondong ipantutulong sa mahihirap na bansang higit na naaapektuhan ng climate change. Ngunit isang Pilipinang teen environmental advocate ang naghangad ng higit pa mula sa kanila.

“It will never be enough when it comes to saving the people and the environment. But it’s one step closer to having a better future and giving that opportunity to have a better life for the people who are suffering,” sinabi ni reigning Miss Eco Teen Philippines Beatriz Mclelland sa Inquirer sa send-off press conference niya sa Luxent Hotel sa Quezon City noong Nob. 21.

“I hope that everybody hears it, and creates more projects, and take that as an inspiration to give more opportunities to the people,” pagpapatuloy pa ng kinatawan ng bansa sa 2022 Miss Eco Teen International pageant sa Egypt sa susunod na buwan.

Hinikayat din ni Mclelland ang mga kapwa niya kabataang higit na makilahok sa mga proyektong pangkalikasan. “I hope that in the future we can work with the COP, and I hope I could meet some of the members when I come to visit Egypt,” aniya.

Miss Eco Teen Philippines Beatriz Mclelland/ARMIN P. ADINA

Kung mabibigyan ng pagkakataon, aniya, imumungkahi niya sa mayayamang mga bansa na silipin ang mga proyektong eco anxiety. “It’s all about the youth having to fear of their future because of the ongoing climate crisis, not only in the Philippines but the rest of the world,” ipinaliwanag niya.

Sinabi ni Mclelland na layon ng proyektong pausbungin ang pag-asa mula sa pangamba. “It doesn’t only take stakeholders to do that, it also takes the youth to be part, to be involved, and to raise the concerns, and be able to be involved in projects, and for them to be heard as well,” dinagdag niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit para sa kanya ay kinakailangan pa rin ang isang “Teen” pageant kahit may “Miss” competition na ang Miss Eco International organization.

“We stand for so many advocacies that we are passionate about, and that we deserve to be heard because young people as well can create change,” ipinaliwanag ni Mclelland.

“I’m really thankful that there are still ‘teen’ pageants for that, for opportunities to be given to young women like myself,” aniya.

Nasungkit ni Mclelland ang titulo niya sa 2022 Miss World Philippines pageant nitong Hunyo, at magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2022 Miss Eco Teen International competition sa Egypt sa Dis. 11 (Dis. 12 sa Maynila).

Si Roberta Tamondong ang unang Pilipinang hinirang na Miss Eco Teen International. Nagwagi siya noong 2020. Pumangalawa naman sa patimpalak noong 2021 ang kinatawan ng Pilipinas na si Tatyana Austria.

 

Related Chika:
‘Dance Versus Climate Change’ hahataw na para sa 2022 National Clean Air Month, mapapanood sa ALLTV 2

Kelley Day OK na matapos mapabalitang nagka-COVID, pero hindi pa pwedeng umuwi sa Pinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Earth beauties nagpahayag kaugnay ng COP27

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending