MATAPOS ang matagal na pananahimik ay muli na ngang nag-post ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Makalipas nga ng dalawang buwan ay muling nagbigay ng update ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino ukol sa lagay ng kanyang kalusugan at pati na rin ang sitwasyon nilang mag-iina.
Nitong Huwebes, November 24, bilang selebrasyon ng Thanksgiving ay ipinaabot rin ni Kris ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa ikabubuti ng kanyang lagay.
“Thank you Minister Joji & my INC friends for making the trip to anoint me w/ healing oil, sharing the Biblical healing verses that i now include in my daily prayers.
Thank you to my friends, the Carmelite sisters in Quezon who include me in their daily prayers. And a special THANK YOU to Archbishop Soc,” saad ni Kris.
Aniya, ayaw raw niyang mag-post sa social media hangga’t wal pa siyang “definite info” ukol sa kanyang sakit at ngayon nga ay ito na ang matagal nang hinihintay ng madlang pipol.
“It’s step 1 on what will likely be more than 18 months of diagnosis & treatment. i’m signed up in a hospital’s Center for those with Rare & Undiagnosed illnesses. My last set of test results were conflicting; that’s why i chose to have my full diagnosis & treatment with a team of multidisciplinary doctors,” lahad ni Kris.
Pagkukwento pa niya, iba raw ang proseso sa Amerika. Kinakailangan muna niyang mag-submit ng kanyang medical records mula 2018 kung kailan unang na-diagnose ang kanyang autoimmune condition sa Singapore.
“I had a teleconsult w/ the assigned doctor-coordinator for me, then we’ll do a video consult in 2 weeks. i’ll be admitted early 2023 to undergo every imaginable test they’ll deem necessary,” pagpapatuloy pa niya.
Matapos nga raw lumabas ang mga resulta ng kanyang tests ay ang kanyang team ang magdedesisyon kung anong magandang treatment ang dapat gawin.
“The coordinator admitted I’m a ‘challenge’ since i’m allergic to so many types of medicine including all steroids. Pang case study daw ako- 1 person with multiple autoimmune conditions & over 100 known allergic or adverse reactions to medication,” sey ni Kris.
Chika pa niya, nag-file na sila ng mga dokumento sa US Immigration para mapahaba pa ang kanilang pananatili sa Amerika at hindi raw sila pwedeng jmalis hangga’t hindi pa naga-grant ang kanilang extension.
Kalakip ng pagbibigay niya ng update ukol sa mga ganap sa kanyang pagpapagaling ay ang larawan ng dalawa niyang anak na sina Bimb at Kuya Josh.
Sey niya, “They are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (i’m so immunocompromised- since June i’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).”
Dalangin nga ni Kris na mabiyayaan siya na maging malusog upang patuloy niyang magampanan ang pagiging ina sa kanyang mga minamahal na anak.
Hiling niya, “I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time.”
Related Chika:
Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva
‘Pagpanaw’ ni Kris Aquino fake news, tuloy ang pagpapagamot sa US
Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot