Miss FIT PH pageant pupunta sa Baguio; final screening sa Nob. 27 na Bandera

Miss FIT PH pageant pupunta sa Baguio; final screening sa Nob. 27 na

Armin P. Adina |November 24,2022
share this

Miss FIT PH pageant pupunta sa Baguio; final screening sa Nob. 27 na

Armin P. Adina - November 24, 2022 - 03:27 PM

Miss FIT PH pageant pupunta sa Baguio; final screening sa Nob. 27 na
MALAPIT nang matapos ang paghahanap ng mga kandidata para sa Miss FIT (face, intelligence, tone) Philippines pageant ngayong taon, na may isa pang regional screening na gagawin bago ang final screening ngayong weekend.

Makaraang magsagawa ng mga screening sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, pupunta naman ang health and wellness management company na ProMedia sa Baguio City para sa Northern Luzon leg ng nationwide search para sa mga kandidata sa Nob. 26.

Upang makatanggap ng imbitasyon, punan ang application form na mada-download sa link na makikita sa opisyal na Facebook page ng patimpalak. Kailangang maipadala ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng e-mail sa [email protected] pagsapit ng Nob. 24, 11:59 ng gabi.

Para sa mga hindi nakapunta sa naunang screening sa Metro Manila, at sa regional screenings sa Visayas at Mindanao, at sa mga hindi makakasipot sa Northern Luzon leg sa Sabado, may final screening na nakatakda sa Nob. 27.

Pwede ang walk-in applicants sa huling yugto ng screening, na gagawin sa function room ng Vista Shaw sa Mandaluyong City (sa likod ng Laurel Mansion).

Bukas ang patimpalak para sa mga babaeng “assigned female at birth,” may lahing Pilipino, single at hindi pa naikakasal o nagdalantao, mula 17 hanggang 26 taong gulang, at hindi bababa sa 5’5” ang taas.

Malaking premyo ang nakaabang sa mga magwawagi. Tatanggap ang pangunahing reyna ng P200,000, habang P75,000 halaga ng salapi at ibang premyo ang sa first runner-up, at P50,000 naman sa second runner-up. Dalawang runners-up pa ang tatanggap ng tig-P30,000 halaga ng salapi at ibang premyo.

Nasa ikatlong taon na ang taunang patimpalak, at patuloy itong naghahanap ng mga Pilipinang may taglay na “beautiful face (F), intellectual and emotional intelligence (I), and a toned and healthy body (T).”

Si Binibining Pilipinas alumna Malka Shaver ang kinoronahan sa unang patimpalak na isinagawa nang virtual noong 2020, habang nagwagi noong 2021 si Yllana Marie Aduana, na hinirang bilang “Face of Binibini” at nagtapos sa Top 12 ng 2022 Bb. Pilipinas pageant.

Related Chika:
Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

India wagi sa Man of the World pageant; Philippines 2nd runner-up

Bb. Pilipinas tuloy na tuloy na, live man o virtual

Miss Bikini PH, Miss FIT PH live na ngayong taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending