Cardinal Tagle tinanggal sa pwesto bilang pinuno ng 'Caritas Internationalis' ng Vatican | Bandera

Cardinal Tagle tinanggal sa pwesto bilang pinuno ng ‘Caritas Internationalis’ ng Vatican

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 01:51 PM

Cardinal Tagle tinanggal sa pwesto bilang pinuno ng 'Caritas Internationalis' ng Vatican

Dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle (FILE PHOTO)

KASAMA si dating Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga tinanggal sa pwesto ni Pope Francis sa Caritas Internationalis (CI).

Si Cardinal Tagle ang nagsisilbing presidente ng nasabing ahensya.

Para sa kaalaman ng marami, ang CI ay isang charity at disaster relief agency ng Vatican na binubuo ng higit isandaang organisasyon mula sa iba’t-ibang bansa.

Hindi lamang si Cardinal Tagle ang nasibak sa pwesto, kundi lahat ng mga bumubuo ng CI.

Ang naging hakbang ni Pope Francis ay kasunod ng isagawang “independent review” sa operasyon ng CI na nakitaan ng seryosong kakulangan umano sa pamamahala.

Wala pang pahayag mismo si Pope Francis tungkol dito, pero ayon sa kanya ay para na rin ito sa paghahanda sa darating na halalan ng ahensya.

Pansamantalang hinirang ni Pope Francis si Pier Francesco Pinelli, isang Italian management consultant, bilang temporary CI administrator.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Vatican noong November 21, “With the entry into force of this measure, members of the Representative Council and the Executive Council, the President and Vice Presidents, the Secretary General, the Treasurer and the Ecclesiastical Assistant shall cease from their respective offices.”

Sa mangyayaring transition, tutulungan ni Tagle si Pinelli na paghandaan ang general assembly na mangyayari sa Mayo ng susunod na taon para sa eleksyon ng CI.

Sa isang text message sa INQUIRER, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President na si Bishop Pablo Virgilio David na inaasahan na nila ang mangyayari kay Cardinal Tagle sa CI mula pa noong itinalaga ito bilang “prefect of the Dicastery for the Evangelization of Peoples.”

Sey ni Bishop David, “Good heavens, those are two full-time jobs that cannot possibly be handled by one person.

“Understandably, it took time before Pope Francis could find a replacement and implement a long overdue reorganization of Caritas.”

Si Cardinal Tagle ay isa sa mga itinuturing “papabile” o isang taong karapat-dapat na maging papa dahil sa pagkakaroon ng maraming posisyon sa Vatican.

Siya ay naging head ng Dicastery for Evangelization sa Rome noong 2019.

Pero bago pa ‘yan ay dalawang beses na siyang naging CI President simula pa noong 2015.

Related chika:

Bea Gomez may bitbit na lucky charm mula sa Vatican nang lumaban sa Miss U PH 2021

Mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila binigyan ng P10K ng DSWD

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga magsasaka pwede pa ring kumuha ng ‘fertilizer discount vouchers’ hanggang Nov. 30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending