Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa ‘The Iron Heart’

Kyle Echarri, Maja Salvador, Richard Gutierrez puring-puri sa pag-arte sa 'The Iron Heart'

MAINIT na sinalubong ng manonood ang pagsisimula ng kwento ni Apollo (Richard Gutierrez) sa pilot episode ng bagong aksyon serye ng ABS-CBN na “The Iron Heart” nitong Lunes (Nobyembre 14).

Nakilala ng viewers ang batang Apollo na ginampanan ni Kyle Echarri, isang binatang pursigidong patunayan ang sarili sa kabila ng panghuhusga ng mga tao sa kanyang pamilya. Isang trahedya ang bumago są kanyang buhay nang mamatay ang kanyang ama nang hinoldap ang sinasakyan nilang bus.

Umani naman ng papuri ang pagganap ni Kyle sa unang episode. Trending nga ang official hashtag ng serye na #TIHTheOrigin, The Iron Heart, Apollo, MAJA as Cassandra, at KYLE Lakas at Puso.

Ani ni @officialKpex, “Undoubtedly the strongest point of #TIHTheOrigin, Kyle Echarri is terrific as young Apollo, as he delivers a solid performance with depth, grit, and conviction—a powerful portrayal that gives Richard Gutierrrez’s character an incredibly remarkable takeoff.”

 

 

Komento ni @randomguy4eber, “Very promising ng The Iron Heart. This will also launch Kyle as a solo artist. Ang galing ng build up ng character nya dito. Very parallel sa magiging showbiz career nya as serious actor. #TIHTheOrigin.”

Usap-usapan din ang naging chemistry nina Richard at Maja Salvador sa pasilip nilang eksena sa dulo. pati na ang intense aksyon ng serye.

“It’s evidently obvious that Maja and Richard have an undeniable chemistry periodt,” saad ni @carmajalugh.

Komento naman ni @TeamKapamilyaTo tungkol sa action scenes, “Another forte of ABS-CBN talaga is making action series. #TIHTheOrigin.”

“Kudos to the team ang galing ng fight scene. Action na action sya,” dagdag ni @RenielSubang.

Sa pagpapatuloy ng kwento, magsisimula na si Apollo sa pagtugis niya sa grupo na Tatsulok.

Masisilayan din ang mas lumalalim na pag-iibigan nila ni Cassandra (Maja Salvador).

Huwag palampasin ang pilot week ng “The Iron Heart,” 8:45 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel Online at TV5.

 

Related Chika:
Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa ‘Iron Heart’?

Read more...