40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant

40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant

Mutya ng Pilipinas candidates/ARMIN P. ADINA

DALAWANG taon mang nagpahinga ang Mutya ng Pilipinas pageant dahil sa COVID-19 pandemic, bawing bawi naman ito sa ika-52 edisyon nito ngayong taon dahil sa mga palabang kandidatang magtatagisan sa patimpalak.

Ipinakilala ng organisasyon ang malakas na batch ng 39 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa at ilang pamayang Pilipino sa ibayong-dagat sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City ngayong Nob. 23.

Angela Okol, Surigao del Norte/ARMIN P. ADINA

 

Sinabi ni Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino sa Inquirer na may mga kinakausap na siyang handlers at managers upang makapili ng magiging ika-40 kandidata na bubuo sa talaan ng mga kalahok ngayong taon. Kung hindi sa araw na ito, maaaring bukas malalaman kung sino siya.

Isa ang Mutya ng Pilipinas pageant sa mga pinakamatatagal nang national beauty contest sa Pilipinas, itinaguyod noong 1968 ni Leandro “Biboy” Enriquez. Ilang international winners na rin mula sa mga matatagal nang global pageants sa mundo ang naipanalo nito.

Iona Gibbs, Bataan/ARMIN P. ADINA

Limang reyna ng Mutya ang nagwagi sa iba’t ibang bersyon ng Miss Asia Pacific International pageant—sina Carines Zaragoza noong 1982, Bong Dimayacyac noong 1983, Lorna Legaspi noong 1989, Michelle Aldana noong 1993, at Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel noong 2018.

Limang Mutya rin ang nagwagi sa Malaysia-based na Miss Tourism International—sina Peachy Manzano noong 2000, ang yumaong si Rizzini Alexis Gomez noong 2012, Angeli Dione Gomez noong 2013, Jannie Loudette Alipo-on noong 2017, at Cyrille Payumo noong 2019.

Katherine Topsnik, Guindulman, Bohol/ARMIN P. ADINA

Mutya rin sina 1993 Miss Model of the World Gemith Gemparo at 2015 Miss Tourism Queen of the Year International Leren Mae Bautista.

Ngayong taon, apat na titulo ang igagawad sa patimpalak—ang 2022 Mutya ng Pilipinas, Mutya ng Pilipinas-Tourism International, Mutya ng Pilipinas-World Top Model, at Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities.

Margaret Rodrigo, Canada/ARMIN P. ADINA

Gagawaran din ng titulo ang mga runner-up, ang Mutya ng Pilipinas-Luzon, Mutya ng Pilipinas-Visayas, at Mutya ng Pilipinas-Mindanao tulad ng iginawad noong mga unang taon ng patimpalak.

Bea Margarett Madea, Muntinlupa/ARMIN P. ADINA

Itatanghal ng 2022 Mutya ng Pilipinas pageant ang coronation night nito sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City sa Dis. 4.

Related Chika:
Huling tawag para sa mga aplikante ng Mutya ng Pilipinas pageant sa Nob. 20

Ikaw na ba ang susunod na Mutya ng Pilipinas?

Mutya ng Pilipinas pageant maghahanap ng ‘gamechangers’ sa LuzViMin

Read more...