Vice Ganda kinarir ang paglilinis ng condo, ibinandera ang Hermes bag: Kaysa mabulok sa cabinet ay gamitin na natin!

Vice Ganda kinarir ang paglilinis ng condo, ibinandera ang Hermes bag: Kaysa mabulok sa cabinet ay gamitin na natin!

KALOKA ang It’s Showtime host na si Vice Ganda. Siya kasi ang personal na naglinis ng kanyang hindi na nagagamit na condo dahil merong siyang friend from the US na dadating.

Nataong day off ng kanyang mga angels kaya napagpasyahan niyang siya na lang ang maglinis ng kanyang condo.

Of course, ipinakita niya ang ganap na iyon sa kanyang Youtube vlog titled “Clean the Condo! Run!”

“Maglilinis ako ng condo because I have a friend whose gonna be coming from the States and gonna be staying in my condo for a few weeks, so I need to prepare the place for her. At dahil linggo ngayon, day off ng mga angels dahil araw ng pagpapa-rebond at hindi mo sila puwedeng istorbohin. Ako mismo ang maglilinis ng condo,” say ni Vice Ganda.

At bago pa man magtanong ang mga followers niya sa Youtube kung bakit siya naka-Hermes bag, eh, maglilinis lang naman siya ng condo niya, ito ang say ng It’s Showtime host,“Kung tinatanong ninyo ako kung bakit maglilinis lang ako ay naka-Hermes pa ako, kesa mabulok sa cabinet ay gamitin na natin para yaman-yamanan.

Then, gora na si Vice Ganda sa isang grocery to buy the cleaning materials bago siya pumunta ng kanyang condo.

At habang naglilinis na, itsinika ni Vice Ganda na almost ten years na niyang pag-aari ang condo pero hindi niya ito madalas na nagagamit.

“Matagal na itong condong ito sa akin. Siguro mga almost 10 years. Dito ako nag stay nu’ng naglilipat ng bahay. At tsaka, makeupan kasi ‘yung kabilang unit kay Buern ‘yung hair stylist ko. Tapos ‘yung susunod na unit, kay Aaron naman ‘yung stylist ko naman,” say niya.

Ipinakita sa Youtube video ang pag-vaccume niya ng carpet, ang pagpalit niya ng beddings at ang ag-spray niya ang fabric conditioner sa mga sofa at throw pillows. Naglinis din siya ng kanyang maruming kitchen sink.

 

And then, nilinis niya ang ibabaw ng ref. Naglagay din siya ng beers, hotdog, soda, chicken nuggets, fruits and different kind of cheese sa loob ng kanyang refrigerator and dusted of the upper part of the ref.

Nakakaloka ang chika ni Vice Ganda. Ibinuking niya na ang kanyang madir dear na si mommy Rosario ay nagtatago ng sitsirya na padala ng kanilang lola sa lalim ng kama. At hindi raw puwedeng galawin ang mala-pyramid na pagkakaayos ng canned goods dahil masisira raw ang ayos nito.

 

Related Chika:
Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Read more...