Maricar Reyes nag-share ng 4 na hugot sa forgiveness: ‘Bitterness is the ultimate PAMPAPANGET’

Maricar Reyes nag-share ng 4 tips tungkol sa pagpapatawad: 'Tingin mo nakalimutan ko na lahat ng masamang nangyari sa akin...hindi!

Maricar Reyes

IKAW ba ang klase ng tao na mahirap magpatawad sa mga taong nagkasala sa inyo? O, beke nemen ikaw ang tipo na madaling maka-move at makalimot?

Sa lahat ng mga nagtatanong kung paano bang mag-forgive and forget sa mga nanakit at nanloko sa inyo, maaaring makatulong ang actress-entrepreneur na si Maricar Reyes-Poon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-share ang wifey ng singer at crooner na si Richard Poon ng apat na tips on how to forgive people.

Pagsisimula ni Maricar, “Forgiveness is the best beauty product in the world. And

“Pero bakit ang hirap magpatawad? I think it’s because we have some misconceptions about forgiveness. So I will give you four things that forgiveness is not,” lahad ng aktres.

Kasunod nito, inisa-isa nga ni Maricar ang mga natutunan niya pagdating sa isyu ng forgiveness.

“Number one, forgiveness is not forgetting. Yung babalik kayo sa dati as if nothing happened. Not true. Tingin mo nakalimutan ko na lahat ng masama na nangyari sa akin? Hindi ah. The difference is, hindi na ganu’n kabigat pag naaalala ko sila.

“That’s because I remembered then I learned to adjust. For example nagpahiram ako ng pera, ilang beses akong hindi binayaran. Mahal ko pa rin yung tao and I still help when I can. Pero pagdating sa utang, hindi na. At alam na niya yun. We adjusted,” pagbabahagi ni Maricar.


“Number two, forgiveness does not mean na wala nang consequence. Kung minali ka ng isang tao, kailangan niya harapin ang consequences ng mali niya kahit pinatawad mo na siya.

“Alam mo, years before my crisis, I told a lot of little lies and I never got caught. Yun nangyari sa akin, I think it’s partially because of all these lies.

“Nagpatong patong buong buhay ko tapos sumabog na lang siya sa mukha ko. It was my consequence for lying to myself and to others. Bilog talaga ang mundo. Maniwala kayo,” aniya pa.

Ang ikatlong tip niya ay, “Forgiveness does not mean I am better than the other person. Yung the thought na, ‘Never ko gagawin yung ginawa niya sa akin. I am not as bad as that person, bakit ko siya patatawarin?’

“Ito yung pinakamahirap. Kasi feeling ko mas mabait ako dun sa kagalit ko. But when I really took time to look at my own heart, I realize I wasn’t as clean as I thought I was. Hindi ako ganun kalinis. At minsan nakakalimutan ko yun pag may nagkakamali sa akin.

“So tanong mo si God if you believe in God. Itanong mo kung sa mata niya, does he believe you are morally superior?

“You are better than the other person? Na mas mahalaga ka sa mata niya compared sa tao na kagalit mo? And really wait for an answer. Baka magulat ka,” dugtong pa ng aktres.

“Number four, forgiveness is not a one time, big time thing. Proseso siya. The deeper the hurt, the longer the process.

“So please be patient with yourself, don’t stop trying. Pag naramdaman mo na yung bitterness at yung pait sa puso mo, forgive ulit. Remember ulit. Nagkakamali ka din. Hihingi ka rin ng kapatawaran minsan.

“Remember ulit na haharapin niya ulit yung consequences ng pagkakamali niya. If not today, balang araw. And don’t forget, adjust your relationship. Para hindi ka na pualit ulit na nasasaktan. Learn,” paalala pa niya.

Pahabol pa ng misis ni Richard Poon, “Keep doing this until it becomes a habit. Over time it will get easier. Siyempre gusto ko lahat tayo maganda. At hindi nakaka-beauty ang pagiging bitter.”

Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

Maricar Reyes nagsalita na tungkol sa ‘darkest chapter of my life’: 12 years bago ako naging OK enough to really talk about it…

LJ naka-move on na pero dedma pa rin sa sorry ni Paolo: Hindi madaling ibigay ang forgiveness

Read more...