Ka Tunying ayaw tantanan ng death threats pero ayaw pa ring kumuha ng bodyguard: Wala rin akong bullet-proof na sasakyan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Anthony Taberna
HANGGANG ngayon ay marami pa ring natatanggap na death threats ang veteran broadcast journalist at news anchor na si Anthony Taberna.
Ito’y dahil na rin sa patuloy niyang pagpapakawala ng matatapang at palabang komento at pagpuna sa kanyang mga programa sa iba’t ibang platforms.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Ka Tunying kahapon, November 21, sa Sixty-Four restaurant ng Evia Lifestyle Center, Daang Hari, Almanza Dos, Las Piñas City, para sa bago niyang public affairs program sa ALLTV channel 2, ang “Kuha All.”
Dito nga niya nabanggit na patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng mga pagbabanta at pananakot mula sa mga taong kumokontra sa kanyang mga paniniwala sa iba’t ibang kontrobersyal na isyu.
“Ang sa akin po kasi, yun pong threat, iba-ibang klase po iyang threat, e. Iba’t ibang klase po iyan. Ngayon, mas daring po yung mga nagte-threaten sa atin lalo na nga po dun sa social media na wala namang pangalan.
“Mga peke yung mga accounts ng mga nagte-threaten sa atin, death threats, kung ano mang klase ng threats. Most of the time po ay dini-dismiss lang po natin yun.
“Ang dahilan po para sa akin, katulad ng naririnig din natin sa iba, na if there’s someone who would like to harm you, e, hindi na po iyon magbibigay ng advance notice, ano, kung talagang tototohanin,” lahad ni Ka Tunying.
Pagpapatuloy pa niya, “Gaya din po ng ibang mga tao, nag-iingat po tayo. Ginagawa po natin ang kaukulang pag-iingat para po sa atin at para sa ating pamilya.
“Para sa gayon po ay hindi tayo mabiktima ng ano mang physical harm. And most of all, hindi po tayo umaalis ng ating bahay na hindi po tayo nananalangin.
“Dahil ang akin pong paniniwala, bagamat may mga nagmumungkahi po sa akin na kumuha ng bodyguard katulad ng ginagawa ng iba.
“Ang akin pong paniniwala, bukod po sa aking pag-iingat sa sarili nang personal ay hindi po ako mababantayan ng kahit na sino, kahit na isang batalyong sundalo, kung meron pong isang determined na gagawa ng masama sa akin o sa aking mga minamahal sa buhay.
“Ang makapagbibigay po sa atin ng proteksiyon ultimately ay ang Panginoong Diyos na kayang-kaya pong iligtas tayo sa kahit na sinong nag-iisip ng masama,” aniya pa.
Sa tanong kung gumagamit ba siya ng bullet-proof na sasakyan, “Wala po, wala po. Mahal po yun, e! Ang totoo po nu’n, ito lang damit na pinasuot sa akin ng misis ko, kabibili po niya nito.
“Sabi ko, ‘Bakit kailangan pang bumili? E, ang mahal-mahal niyan!’ Medyo kuripot po kasi ako, e,” dagdag pang chika ng news anchor at TV host.
“Ang bodyguard ko po ay ang Panginoong Diyos, e. Hindi po ako kumukuha ng bodyguard. Una, ang lakas kumain ng mga bodyguard ngayon. Medyo mataas ang presyo ng bigas, e!”
“Kidding aside po, baka hindi ako maging komportable na may bodyguard. May mga OA po kasi na bodyguard. Baka sabihin pa, napakayabang ng Ka Tunying na iyan.
“E, ngayon po, matutuwa ka, galing po ako sa Iloilo. Kahit saan po, mula sa airport, sa restaurant, sa pasyalan, may mga nakakakilala po sa atin na mga tao.
“Imagine, wala naman tayo sa mainstream pero niyayakap tayo ng mga tao. E, baka pag niyakap kami, yung bodyguard ko, e, hawiin yung tao, mabuwisit ako ng bodyguard e baka mag-away pa kami,” sabi pa ni Ka Tunying.
Mapapanood na ang bagong public service program ni Ka Tunying na “Kuha All” simula sa November 26, Sabado, 5 p.m., sa ALLTV 2.
Ang layunin ng kanyang show ay para ma-educate at ma-entertain ang manonood tungkol sa mga kaganapan sa iba’t ibang panig ng bansa na huling-huli sa camera.
“I am more than grateful to start another chapter of my career with the ALLTV family because we share the same goal of sharing a different level of television experience with our Pinoy audience.
“Despite being in the broadcasting industry for more than half of my life, I’m still thrilled to share new stories of Pinoys that will not just keep the viewers informed but will also make enlighten them and make them feel that they’re part of the stories.
“Kuha All! is just one of the many surprises we prepared for our audience before the year ends,” sabi ni Ka Tunying.
Aiming to present meaningful human interest stories affecting Pinoys across the country, Kuha All! will have three segments in each episode. “Kuha Rin!” highlights snippets of the latest and trending videos while “Kaya All!” will be the part of the show where the featured case study will be assisted through any means of support needed to resolve the issue being discussed.
The show ends with Ka Tunying’s no-holds-barred commentaries about the topic at hand through the segment, “Kuha Mo?”