Janus del Prado nakatanggap ng death threat: Malapit ka nang matokhang! | Bandera

Janus del Prado nakatanggap ng death threat: Malapit ka nang matokhang!

Alex Brosas |August 24,2021
facebook
share this

Janus del Prado nakatanggap ng death threat: Malapit ka nang matokhang!

Alex Brosas - August 24, 2021 - 06:41 PM

Angel Locsin, Bea Alonzo at Janus del Prado

MAY death threat na natanggap si Janus del Prado sa social media.

Mukha namang hindi bothered si Janus dahil nakuha pa niyang i-post ang pagbabanta sa kanyang buhay.  

“Malapit kana ma Tokhang magpaka naot kana Buang! @janusdelprado.”

‘Yan ang nakalagay sa ipinadalang death threat sa aktor.

“May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. 

“Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans. Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan,” ang matapang na sagot ni Janus.

Of late ay may mga pasabog na post si Janus sa kanyang Instagram account. 

“May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team di ka magsososrry at pinag away away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”

Bagama’t walang name, ang tingin ng marami ay si Gerald Anderson ang pinatatamaan niya dahil magtatapos na ang teleserye nitong “Init sa Magdamag.”

“Now you know. Magkaiba ang sawsawero sa idinamay. Oh well. (person shrugging emoji) #sorrynotsorry (face with tears of joy emoji),” say pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpahayag si Gerald recently na handa siyang mag-sorry kay Bea Alonzo at umaasa siya na sana’y patawarin siya ng dating girlfriend na inakusahan siya ng panggo-ghosting noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending