‘Start-Up PH’ nina Bea at Alden pinagtalunan sa vlog ni Ogie Diaz: ‘Alam mo, ‘you’re so sama! So bad!’

'Start-Up PH' nina Bea at Alden pinagtalunan sa vlog ni Ogie Diaz: 'Alam mo, ‘you’re so sama! So bad!'

Alden Richards, Gina Alajar at Bea Alonzo

SA pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng YouTube channela “Showbiz Update” ay kumpleto sina Mama Loi, Ate Mrena, Dyosa Pockoh at Ogie Diaz.

Napag-usapan ng lima ang tungkol sa programang “Start Up PH” nina Alden Richards at Bea Alonzo na magtatapos na pala at hindi pa  napapanood ni Ogie.

Sinimulan ni Mrena, “Matatapos na ang Start Up PH, parang wala lang, walang dating!”

Natatawang napayuko si Ogie at sabay sabing, “Alam mo grabe ka sa GMA! Kasi nu’ng una hindi mo kilala ang mga artista as if naman kilala ka ng mga artista.

“Alam n’yo ‘yung Start Up PH sa totoo lang hindi naman ako nakapanood ni isang episode. Kasi sa GMA show ang pinapanood ko talaga ‘yung Maria Clara at Ibarra, ang ganda ng production design, kuwento.

“Balik-tanaw tayo ng ating pinag-aralan noong third year high school tayo, ‘yung Noli Me Tangere ‘yun ang pinapanood ko.


“Yung Start Up PH hindi ko napanood. Di ba ang gumawa (original) niyan Korean? Adaptation oo nga, ‘no?  Hindi natin masyadong narinig ‘yun.”

Hirit ni Mama Loi, “Ako rin nagulat patapos na pala! O, tapos na ba (natawa). Tapos na ba Mrena?”

Sagot ni Marena, “Malapit nang matapos Mama Loi.”

“Ayan ang nakakaloka nga nito Loi, nandoon pa naman si Bea.  Malalaking artista pa Bea Alonzo, Alden Richards,” say ni Ogie.

Humihiyaw na sabi ni Tita Jegs, “Ay ano ba ‘yan, buwena manong project ni Bea Alonzo sa GMA parang wala namang dating!”

Naloka sina Mama Loi, Mrena, at Dyosa Pockoh sa simpleng pananaray ni Tita Jegs.

Sinita siya ni Ogie, “Alam mo, ‘you’re so sama! So bad! Tandaan mo nagkita kayo ni Bea Alonzo sa isang party chummy-chummy pa kayo.  Gusto ka ni Bea tapos kung makapanglaglag ka ng statement na ganyan.

“Pero nag-usap kayo ni Bea, nag-TikTok ka pa sa kanya (ipinakita ang video nina Jegs at Bea), nag-Instagram ka pa sa kanya na kasama ka tapos alam mo, ganyan ka Jegs!” aniya pa.

Biglang bawi si Tita Jegs, “Pinanonood ko ‘yan ‘te! Simula palang ng Start Up pinapanood ko na ‘yan. Kailan ba ang season 2 n’yan?”

Nagkatawanan na lang sina Ogie, Mrena, Dyosa Pockoh at Mama Loi.

Say ni Dyosa Pockoh, “Ayokong magsalita suki ako ng GMA. Ayokong magsalita tungkol sa GMA.

Binigyan naman ng katwiran ni Ogie ang mga komento nina Tita Jegs at Mrena dahil nababasa naman nila ang mga komento (feedbacks) ng mga nanonood ng series nina Alden at Bea.

“Nababasa naman natin at wala nga raw dating ‘yung Start Up PH nina Bea at Alden. Mayroon ding nagko-comment na hindi bagay o walang chemistry sina Alden at Bea,” esplika ng talent manager at content creator.

Dagdag paliwanag ni Mama Loi, “Siguro kasi ‘Nay (Ogie) sa ibang shows tulad ng Maria Clara at Ibarra at Darna, di ba laging nagte-trending sa Twitter? Napag-uusapan?

“Siguro lang hindi ganu’n karami ang nakakapag-comment sa Start Up kaya sabi ng iba na parang walang dating hindi naramdaman parang dumaan lang,” aniya pa.

Pinatunayan din ito ng social media influencer na si Dyosa Pockoh, “Kahit sa TikTok walang lumalabas.  Maria Clara at Ibarra at Darna at saka ‘yung kay KathNiel (2Good2BeTrue),” aniya pa.

Tanong ni Ogie kay Dyosa, “Akala ko ba lagi kang kinukuha ng GMA?  Bakit nagpi-feed ka sa amin, Dyosa? So, hindi mo pinapanood ang Start Up PH?”

Nagulat na sagot ni Dyosa Pockoh, “Ay naipalabas na po? Baka lang kasi na-hook lang ako sa Maria Clara at Ibarra feel ko ‘yung aktingan doon.”

“Hindi, baka hindi mo rin nasubaybayan ang Start Up PH kasi ako hindi rin ako nakapanood hindi talaga. Siguro hindi nakapukaw ng atensyon ko ‘yun kahit ito ay Bea at Alden.

“Pero hindi naman natin minemenos ang mga kapasidad ng mga artista doon o ‘yung production value ng Start Up.  Siguro naman nakarating din sa management ng GMA na hindi ganu’n pinag-uusapan ang Start Up PH.

“Ang pinag-uusapan ay ‘yung Maria Clara at Ibarra na tinanggal sa YouTube dahil binili na ng Netflix,” kuwento ni Ogie.

Napa-wow ang mga kasama nito at sa 2023 raw ito ipalalabas sa nasabing platform.

Bea Alonzo, Alden Richards bibida sa Filipino adaptation ng hit KDrama ‘Start Up’

Netizens dismayado kay Jeric Gonzales sa ‘Start Up’: Nam Do San n’yo stressed na agad

Ogie Diaz kay Paolo Contis: Kayo pa ba ni Yen Santos o hindi na?!

Read more...