Zanjoe Marudo nakipag-bonding sa pamilya ni Ria Atayde, aprub nga ba?

Zanjoe Marudo nakipag-bonding sa pamilya ni Ria Atayde, aprub nga ba?

PHOTO: Instagram/@sylviasanchez_a

TILA namanhikan sa pamilya ni Ria Atayde ang kanyang manliligaw na si Zanjoe Marudo.

Ibinandera sa social media ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na nakasama nila ang aktor.

Makikita sa post na present ang buong pamilya habang masayang nakangiti sa mga litrato.

Nakabonding ni Zanjoe ang mga magulang ni Ria na sina Art at Sylvia, pati na rin ang mga kapatid ng aktres na sina Arjo, Gela at Xavi.

Nagpasalamat pa si Sylvia kay Zanjoe at mukhang may second round pa ang pagbo-bonding nila.

Caption ng beteranang aktres sa IG, “Thank u for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo

I’m looking forward to know you more (red heart emoji)”

Maraming netizen naman ang natuwa sa naging bonding moment ng pamilya kasama ang aktor at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.

“Yung Hindi lang si Arjo and Maine ang aabangan ko, si Ria at Zanjo din.”

“Z is a good man, so he deserves a good lady..I’m glad he found one!! (red heart emoji)”

“Kilig (red heart emoji) sana sila na talaga.”

Kamakailan lang ay diretsahang inamin ni Sylvia sa isang panayam kasama si Korina Sanchez ang tungkol sa tunay na relasyon ng nina Ria at Zanjoe.

Ayon sa beteranang aktres, nasa “dating stage” pa lang ang dalawa.

“Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay eh. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw,” saad ni Sylvia.

Pagpapatuloy ng aktres, “Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin e. Wala pa talaga.”

Matatandaang naging usap-usapan ang dalawang Kapamilya stars nang makita silang magkasama sa isang restaurant sa New York noong Agosto.

Read more...