Promise ni Sharon kay Juday: Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay

Promise ni Sharon kay Juday: Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay

Judy Ann Santos at Sharon Cuneta

TUWANG-TUWA si Megastar Sharon Cuneta nang muling makita at makasama ang kanyang kaibigang si Judy Ann Santos nitong nagdaang weekend.

Naganap ang “reunion” ng dalawang Kapamilya stars sa 18th birthday celebration ni Yohan, ang panganay na anak nina Juday at Ryan Agoncillo.

Sa mga ipinost na litrato ni Sharon sa kanyang Instagram account, kitang-kita ang sobrang kaligayahan nila ni Judy Ann na talagang na-miss ang isa’t isa lalo na sa mga pictures na magkayakap sila.

Ang caption na inilagay ni Mega sa kanyang IG post, “Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay.”

Bukod dito, nag-share rin si Sharon sa IG ng bonding at happy moments nila ni Juday habang rumarampa sa runway ng debut party ni Yohan.

Nakasama rin ng OPM legend at singer-actress sa party ng anak nina Juday at Ryan ang husband niyang si Kiko Pangilinan at tatlong anak na sina Frankie, Miel at Miguel.


Nagsimula ang special friendship nina Sharon at Juday nang gawin nila ang pelikulang “Magkapatid” noong 2002 kung saan nakasama nila sina Dingdong Dantes at Christopher de Leon.

Sa isang IG post ni Mega ilang buwan na ngayon ang nakararaan,  ibinandera rin niya ang pagpapasalamat sa kanyang mga tunay na kaibigan kabilang na nga si Juday

“I am blessed with just a few friends, but REAL ones…never expecting anything back except my love and friendship too…They are truly blessings I treasure.

“I love you, Juday, my sister-by-choice. With all of my heart and from the very depths of it.

“On our 20th year of friendship this 2022, I can only look forward to our bond strengthening even more, as it has only strengthened over the years after our only movie together thus far…Mahal na mahal na mahal kita.

“Hindi lang talaga dugo ang nagiging pamilya. Minsan nga, mas higit pa.

“Tatanda na tayo together, and like we always say, ‘Hanggang sa kabilang buhay di na tayo magkakahiwalay.’ Thank you for loving me for all that I am, flaws and all. I truly love you and thank God for you,” pahayag ni Sharon.

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

McCoy bawal makipaghalikan at makipag-love scene sa pelikula, hirit ni Elisse: Selosa kasi ako!

Read more...