Mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila binigyan ng P10K ng DSWD

Mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila binigyan ng P10K ng DSWD

(FILE) Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo. (Leo Udtohan of Inquirer Visayas)

ISANG rescue operation ang isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga namamalimos na mga Badjao sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay hindi bababa sa isandaan ang mga nasagip ng ahensya.

Ayon kay Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, nag-umpisa ang kanilang operasyon noon pang Biyernes, November 18.

Ang mga nasagip na mga Badjao ay binigyan ng food packs at hygiene kits.

Bukod diyan ay nabigyan rin sila ng ayudang tig-P10,000 na pupwede nilang gawing puhunan at magtayo ng sariling negosyo.

Ipinagmamalaki pang sinabi ni Tulfo na kung dati ay binibigyan lang sila ng pagkain at ferry tickets pauwi sa kanilang probinsya, aba ngayon ay mayroon pa silang cash.

“Before, they were only given food, ferry tickets, then sent back home,” sey ng kalihim.

Sinabi pa niya na mali ang dating kinagawian ng ahenysa dahil hindi nito nareresolba ang problema ng mga Badjao.

Paliwanag pa niya, kaya lumuluwas ng Maynila ang mga katutubo ay dahil wala silang makain at walang kinabubuhayan sa kanilang probinsya.

Ani Tulfo, “You do not solve their problem.

“The problem is, they don’t have anything to eat in that area because they have no livelihood, so they return to Metro Manila and other big cities to beg for alms.”

Tiniyak ng DSWD na buong taon nilang tutulungan ang mga katutubo at isusunod din nila ang mga batang kalye na namamalimos.

Read more...