Sharon umaming nagka-LQ sila ni Kiko na tumagal ng 6 months: Akala ko single na ako uli next year…ayan buti bati na kami

Sharon umaming nagka-LQ sila ni Kiko na tumagal ng 6 months

Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

NAGKAROON pala ng L.Q. o lovers’ quarrel ang mag-asawang Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan na umabot sa anim na buwan.

Kung hindi pa namin nabasa ang post ng Megastar sa social media nitong umaga ay hindi namin ito malalaman.

Sa latest post ni Sharon sa kanyang Facebook account ay makikita ang larawan nila ni Kiko na nakayakap sa kanya, “Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation (praying hands and hearts emoji).”

Base sa mga larawang ibinahagi ni Sharon ay dumalo ang pamilya Pangilinan sa debut party ni Yohan Santos Agoncillo, ang panganay na anak nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo.

Ang caption sa mga naunang larawang post ng Megastar kagabi na tila naglalambing sa kanya ang asawa ay, “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na (laughing face and hearts emoji).

“Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months! (heart emoji).

“Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nu’ng nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid!!! Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!” aniya pa.


Hayun, nabuking na matagal na palang may gusot sa pagitan ng mag-asawang Sharon at Kiko at kahit na magkasama sila sa Amerika kung saan nagkaroon ng series of shows si Mega ay hindi naman halata.

Kaya pala may mga hugot posts si Sharon na hindi na ikinagugulat ng marami dahil nasanay na sa kanya na ganito siya every now and then.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento ng followers ni Megastar sa kanyang FB account na natutuwa sila na okay na ang mag-asawa.

Mula kay @Mel Krater, “Why are people here being critical that Sharon shares that her life has setbacks like us, mere mortals? She’s always there, entertaining us, adding joy to our lives.

“Every once in a while she shares that she went through a rough patch, but all you can say is it’s TMI? You couldn’t be a real fan if you’re so critical.

“And if you’re not a fan, boy, you’re wasting precious time following someone that you don’t admire. Why don’t you go find a perfect idol with a perfect life? Good luck finding one.

“As for the rest of us, we appreciate that Sharon shared with us what had to be a difficult time and we’re glad that she and Kiko have patched things up. More love and power, Sharon and Kiko! With love from Texas!

“I’m glad you two were able to work it out so that you’re back to being lovey-dovey again. Thanks, Sharon, for sharing a piece of your life with us, even a personal setback that was probably difficult to share with the public. May it inspire others to try harder on their relationships.”

Masaya rin si @Nimfa Bilasano para sa kanila, “Am so happy to see you both in each others arms again. Pls make God the center of your home and keep love burning inside and out. God bless your family!”

Say ni @Agatha Reyes, “Yung mga nagtatanong ng why broadcast it to the world?” Daming eme nakikibasa nalang. Char!”

“I am happy naayos nyo  must be very tough hugs. Mayaman mahirap lahat may pinagdadaanan.”

Sabi rin ni @Leah Beltejar, “Sharon just sharing that they’re not a perfect family too even they are rich but they have ups and down also but in the end they patched it up there is no wrong in her post.”

Nakakatuwang komento ni @gens_lala, “Ang kulit ng caption HAHAHA. Ikaw pala may kasalanan daddy neybor bakit malungkot si mama this past few days.”

Sharon nagsalita na sa mga kumakalat na intriga, ‘umaming’ pwede n’yang iwan si Kiko para sa isang lalaki

Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Xian Gaza may pa-Q&A kay Carla Abellana: Totoo po ba ang chismis?

Read more...