Gloc-9 binalikan ang eksenang pinagsabay ang pagiging rapper at service crew: ‘Bakit ka nagtatrabaho rito!?’

Gloc-9 binalikan ang eksenang pinagsabay ang pagiging rapper at service crew: 'Bakit ka nagtatrabaho rito!?'

Gloc-9

ALIW na aliw kami sa kuwento ng OPM legend at award-winning rapper-songwriter na si Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay.

Bilang bahagi pa rin ng pagse-celebrate ng kanyang ika-25 anibersaryo sa entertainment industry, nagkuwento si Gloc-9 tungkol sa pagsisimula ng kanyang  career.

Ito yung panahong naging recording artist siya habang nagtatrabaho bilang service crew sa isang franchise ng kilalang bakery sa bansa.

Sa kanyang Instagram post, ichinika ni Gloc-9 na hindi raw naniwala sa kanya ang isang kapwa service na isa siyang rapper at nakagawa na ng album.


“Noong 1999 nagtatrabaho ako sa French Baker sa Sta. Lucia Mall. May kasamahan akong service crew nag luluto kami sa likod ng mga ititinda namin that day.

“Tinanong ko sya kung anong trip nyang sounds sabi niya ‘Mahilig ako sa rap.’ Sabi ko, ‘Sinong paborito mo?’ Sumagot siya, ‘Idol ko si Gloc-9.’

“Sabi ko, ‘Ah talaga? Eh ako yun eh!’ Sabay rap nung sabi nyang paborito nyang song ko.

“Tumingin siya sa ’kin habang natatawa sabi niya, ‘Ikaw si Gloc-9?! haha hindi kaya!’” ang caption ng rapper sa kanyang IG post.

“Kaya nu’ng break time namin niyaya ko sya sa Odyssey record bar katabi ng Kenny Rogers dinampot ko ang album na tape at pinakita ko sa kanya ang picture na ito.

“Sabi ko sa kanya ‘oh ayan ako yan oh!’ Tinitigan niya ng mabuti ang litrato sabay tingin sa ’kin. ‘Oo nga!! Kamukha mo nga! Pero hindi parin ikaw yan!’ Sabi ko, ‘Bakit ba ayaw mong maniwala?!’

“Ito ang sinagot niya. ‘Kung talagang ikaw yang nasa litratong yan at kung talagang ikaw si Gloc-9 eh bakit ka nagtatrabaho dito?!’

“Napaisip ako. ‘Oo nga naman… Tara na tapos na break natin baka mapagalitan na naman tayo.’ #kuwentongmakata #gloc9 #makatasapinas,” pagpapatuloy ni Gloc-9.

Matatandaang naglabas noon si Gloc-9 ng kanyang saloobin tungkol sa usapin na mas nabibigyan daw ng magaganda at bonggang opportunities ang mga kilalang celebrities na maging recording artist kesa sa ibang local musicians.

“Music is for everybody! Mayaman o mahirap, kilala man o hindi. Maaaring mas madali para sa iba dahil mas may resources sila pero hindi ito basehan kung sino ang mas karapatdapat. Ang tanong ay kung gaano mo it kamahal at pag tatrabahuan,” aniya pa.

Gloc-9 mas piniling maging rapper kesa ipagpatuloy ang buhay bilang nurse

Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500…

Gloc-9 binigyang-pugay ang ina at asawa: Palagi nilang inuuna ang kanilang mga anak

Read more...