Gloc-9 binigyang-pugay ang ina at asawa: Palagi nilang inuuna ang kanilang mga anak | Bandera

Gloc-9 binigyang-pugay ang ina at asawa: Palagi nilang inuuna ang kanilang mga anak

Ervin Santiago - May 14, 2021 - 09:09 AM

NAGING emosyonal si Gloc-9 nang bigyang-pugay ang kanyang inang si Nanay Blesilda bilang bahagi ng pagse-celebrate nila ng Mother’s Day nitong nagdaang Linggo.

Pinasalamatan at inalala ng award-winning rapper-songwriter ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ng ina para maitaguyod lamang ang kanilang pamilya.

Ayon kat Gloc-9, si Nanay Blesilda ang nagsilbing ilaw at haligi ng tahanan lalo na noong panahong nasa ibang bansa ang kanilang ama bilang OFW (sa Saudi Arabia).

Sa kanyang Mother’s Day vlog, ikinuwento ni Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay, ang ilan sa hindi niya malilimutang katangian ni Nanay Blesila at kung paano nito pinanindigan ang pagiging ama at ina sa kanilang magkakapatid.

“Nagtayo si Nanay ng sari-sari store. Dahil kahit nasa abroad si Tatay, sapat lang ang kinikita niya para sa pangangailangan namin kada buwan,” simulang pagbabahagi ng OPM icon sa kanyang YouTube video.

Ayon kay Gloc-9, nasaksihan talaga niya ang lahat ng ginawa ng kanyang mga magulang para lang masiguro na maging maayos at maganda ang kanilang buhay.

“Minsan may panahon na nag-iiba ang mga gastusin, kaya makikita mo ‘yan si Nanay, pumipili sa mga alahas niya para isangla,” pahayag pa ng rapper.

Siyempre, proud na proud si Gloc-9 sa kanyang dakilang ina na talagang nagbanat din ng buto at ginawa ang lahat para makatulong sa OFW nilang ama.

At ngayong may sarili na rin siyang pamilya, ibinandera ni Gloc-9 na super proud din siya sa pagsasakripisyo ng kanyang misis na si Thea para sa pagtataguyod sa  kanilang family.

“Ang aking maybahay na si Thea at si Nanay ay magkatulad ng ugali.

“Palagi nila inuuna ang kapakanan ng kanilang mga anak. Di bale nang mawalan sila, basta meron ang mga bata,” patuloy na mensahe ni Gloc-9.

“Maraming, maraming salamat po, Nay, sa mga pangaral na itinuro niyo sa akin at sa aking mga kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lagi ko po itong nagagamit ngayong ako’y may sariling pamilya na. Mahal na mahal po namin kayo,” lahad pa ni Gloc-9.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending