Carla hugot na hugot: Tao rin kami na may emosyon, may mga problema and struggles in life…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Carla Abellana
BAKIT nga ba ang tagal bago humarap si Carla Abellana at nagsalita sa publiko tungkol sa biglang paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.
Pinalipas muna ng Kapuso actress ang ilang buwan bago nagbigay ng pahayag about the controversial breakup with her ex-husband, kabilang na nga ang kanilang divorce.
Sa panayam ng “Updated With Nelson Canlas”, sinabi ni Carla na talagang hindi pa siya handa na magsalita noong kasagsagan ng issue dahil kahit daw siya ay naguguluhan sa mga nangyari.
“Ang daming lumalapit para magtanong kung pwede ma-interview or magbigay ng statement.
“Most especially a few months back, so of course I completely understand kung bakit you know, gusto lang nila basically ng answer,” sabi ni Carla.
“So honestly, at that time, talagang I wasn’t ready. I wasn’t in the right mind space or state in my life na magsasalita ako na I open up and reveal very sensitive or important information, ‘yung personal talaga,” dugtong ng aktres.
Inamin ni Carla na matindi ang nararamdaman niyang pressure nu’ng mga panahong yun dahil feeling ng mga tao, lalo na ng mga fans nila ni Tom na deserve nila ang kanilang explanation.
Pero ayon kay Carla, ayaw naman daw niyang magsalita sa publiko habang pina-process pa niya sa kanyang isip at puso ang pagkawasak agad-agad ng kanyang married life.
“Ayoko namang at the height of whatever event or situation magsasalita ka tapos baka may masabi kang hindi maganda or dala ng emotions mo or whatever it is you were going through that time.
“Ang hirap din naman ‘yung ganu’n na hindi mo binigyan ‘yung sarili mo ng time and, basically, kung ano man nangyayari hindi mo pa napoproseso.
“So mahirap din and we have to be, of course, careful din naman with what we say and then when we say it, mga ganu’n bagay,” paliwanag ni Carla.
Sey pa niya, “Gustuhin mo man magsalita na ‘di ba, bugso ng damdamin mo or whatever, hindi naman din basta-basta ganu’n. Plus, ‘yun nga, tao din kami na may emotions, may mga pinagdadaanan, may mga problema din and struggles in life.
“So, you know, because na rin nga of social media, unfortunately nawawala nga ‘yung parang fine line between public and ‘yung private na lives namin. So ‘yun mahirap din ‘yun,” aniya pa.