Hirit ni Toni sa bashers: We are not a fighter, we are a lover…love always wins kaya winner lang tayo!

Hirit ni Toni sa bashers: We are not a fighter, we are a lover...love always wins kaya winner lang tayo!

Toni Gonzaga

HASHTAG #Unbothered pa rin ang pinaiiral ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga para sa lahat ng kanegahang ibinabato sa kanya ng mga bashers sa social media.

Walang kaplanu-plano ang singer-actress-TV host at content creator na pumatol sa mga taong patuloy na nanlalait, nang-ookray at nambabastos sa kanya nang dahil sa mga naging desisyon niya sa personal na buhay at career.

Nitong nagdaang Huwebes, November 17 ay muling humarap sa mga miyembro ng entertainment media si Toni para sa promo ng kanyang comeback concert na “I Am Toni”.

Bahagi ito ng selebrasyon ng kanyang 20th anniversary sa mundo ng showbiz. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa mismong  39th birthday niya sa January 20, 2022.

“It’s just a recollection of everything that happened in the 20 years. How I started, what happened in between, and where I am today. Parang it’s going to be a journey, yung concert. It’s more of a story of everything of my life,” pagbabahagi niya sa naganap na presscon sa Winford Resorts and Casino sa Maynila.


Bakit nga ba “I Am Toni” ang title ng kanyang anniversary concert, “Kaya yun naging I Am Toni, it’s because during the pandemic, I realized the power of affirmation. I read this book that it says there, anything that you say after I am, follows you and you become.

“Parang, you have to say it out loud what you want to become. And then, I’ve been doing that for almost two years now, yung I look at myself in the mirror, and I tell myself what I want myself to hear.

“I am beautiful. I am blessed. I am grateful. I am confident. There’s so many things that I recite to myself. But overall, what I always say every morning is that I am blessed and I am grateful.

“Grateful that I am still here, grateful that I am still alive, grateful that I can still do what I love to do. And I am grateful that every morning I’m given another chance and opportunity to change each people’s lives because of my job,” mahabang paliwanag ng sisteraka ni Alex Gonzaga.

Tinanong din siya kung ano ang maibabahagi niyang mensahe para sa lahat ng kanyang solid fans at social media followers na sisimulan niya sa linyang, “I Am Toni”.

“I am Toni, and I am very grateful. I am grateful for the love, for the support, for the belief that they still have in me, and isa sila sa kinu-consider kong pinakamalaking biyaya na meron ako sa industriya. To have people and believe me all these years.”

Para naman sa kanyang pamilya, “Sa family ko, I Am Toni… Gonzaga, kasi Gonzaga ang apelyido ko. Parang hindi naman ako nabago. I am Toni. I am still the daughter of my parents. I am Alex’s sister. I am still the same person who started in the business, and I didn’t change.

“I just became the person who I really meant to be. I realized it… parang I am more secure. I am secure of who I am, where I am and where I’m going in my journey,” sabi ni Toni.

At ito naman ang mensahe niya sa mga hindi pa rin naniniwala sa kanya at sa lahat ng mga nangnenega, “Sa mga haters, bashers…ahhh, I am quiet.

“Silence is the best answer. No response is the best response. Sa mga hindi magagandang bagay, I am quiet na lang siguro.

“We are not a fighter, we are a lover. We only speak about the things we love. I do not like speaking about hate. Because, love always wins. Winner lang tayo. Love lang tayo.

“Puro pagmamahal, because the energy you give is the energy you will receive. So, puro love lang tayo dito. Puro pagmamahalan,” pagbabahagi pa ni Toni Gonzaga.

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

Janine hindi nakapaghanda ng mga bilog na prutas para sa New Year: Pero nag-polka dots ako!

Read more...